2 Replies

ganyan din baby ko dati. hindi na nga ako natutulog eh kakabantay sa kanya. dede lang dede gusto nya. iyakin talaga sya. kapag nilagay sa bed 15mins palang iiyak na. mawawala din yan. kasi tinanong ko yan sa pedia, normal daw na iyakin ang mga baby. so ayun hindi na kami nag-alala. medyo puyat lang talaga. yakapin mo din sya ng madalas. kasi gusto ng mga baby malapit sa skin ng mommy.

Yay, so normal lang po pala. Nakakastress din kasi yung iba sinasabi sinanay/ inispoil daw namin si baby. E wala naman ako magawa kasi if yung skin to skin yung need niya para makatulog, ginagawa ko na lang and sinusulit. Ilang months po si baby niyo nung nagpapababa na siya para matulog nang sarili niya?

Try nyo Mi mag play ng lullaby songs tas kung gusto nyo ipacifier siya para masarap ang tulog... ganon kasi ginawa ko kay LO para mahaba din sleep niya

Thank you, mi! Malaking tulong makakuha ng kausap and advices from other mommies din. Salamat! 🙏🏻

Trending na Tanong

Related Articles