3 month old baby

Hello, mumshies! Need help, please. First time mom po. Mag-3 month old na si baby ko this week. Normal po ba na until now, pagising gising pa rin siya almost every hour sa gabi? Tapos nakakatulog siya if nakapatong sa katawan ko, chest or tummy. Pero kapag nilapag ko na sa bed (co-sleeping po kami), mabilis siyang magising. May mga sinalihan na akong group sa FB like baby sleep training tips pero parang hindi ko naman kayang gawin yung mga tips nila na cry it out method, etc. Baka po may maiadvise kayo? Asking sa Filipino moms community, puro foreigner kasi yung nasa group na nasalihan ko sa baka normal sa kanila yung ganung sleep training. Please help po kasi babalik na ako sa work, and iniisip ko kung until kelan siya ganito and if laging puyat talaga ako papasok. πŸ₯ΊπŸ˜… Thank you in advance. #firsttimemom #needadvicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din baby ko dati. hindi na nga ako natutulog eh kakabantay sa kanya. dede lang dede gusto nya. iyakin talaga sya. kapag nilagay sa bed 15mins palang iiyak na. mawawala din yan. kasi tinanong ko yan sa pedia, normal daw na iyakin ang mga baby. so ayun hindi na kami nag-alala. medyo puyat lang talaga. yakapin mo din sya ng madalas. kasi gusto ng mga baby malapit sa skin ng mommy.

Magbasa pa
2y ago

Yay, so normal lang po pala. Nakakastress din kasi yung iba sinasabi sinanay/ inispoil daw namin si baby. E wala naman ako magawa kasi if yung skin to skin yung need niya para makatulog, ginagawa ko na lang and sinusulit. Ilang months po si baby niyo nung nagpapababa na siya para matulog nang sarili niya?

Try nyo Mi mag play ng lullaby songs tas kung gusto nyo ipacifier siya para masarap ang tulog... ganon kasi ginawa ko kay LO para mahaba din sleep niya

2y ago

Thank you, mi! Malaking tulong makakuha ng kausap and advices from other mommies din. Salamat! πŸ™πŸ»