40 weeks No signs of labor

No mucus plug, sobrang tagtag na, three weeks na ko nagtatagtag still 1 cm pa din, pineapple juice, lakad lakad ng isang oras mahigit araw araw, dalawang beses sa isang araw maglakad, kilos sa bahay, naglalampaso ng sahig, madalas umangkas sa motor para matagtag, nagsasalpak ng 3 primrose every night two weeks na, still no signs of labor, puro kirot, sakit ng balakang, sakit sa pem hanggang half ng hita, pero walang mucus plug, walang discharges na sign na manganganak na. Ano pa need ko gawin? 😔#advicepls #1stimemom

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Continue what you're doing lang, mommy. Kelan balik mo kay OB? Minsan kasi lagpas 40 weeks kung lumabas ang baby pero kailangan monitored talaga nang husto para sure na safe kayo ni baby. You may consult your OB din if you're worried about it. Get enough rest pa rin mommy. Kailangan mo ng energy kapag iire ka na.

Magbasa pa
4y ago

Nanganak na po ako. Dapat induced na ako kasi masyado na daw malaki si baby, saktong 40 weeks induce na dapat ako kaso sarado pa din cervix ko, tapos pina-ultrasound ako, pagcheck sa panubigan ko ang konti na daw at baka di na kayanin ng katawan ko magnormal delivery dahil konti na panubigan at malaki si baby, na-emergency CS po ako nung june 9 lang. So far okay naman si baby, healthy sya, though 1 week naka antibiotic dahil daw halos matuyuan si baby sa loob ko, nagkaron ng mild infection.