Lagnat ni baby by Dr. Richard Mata

Mother: pwede bang paliguan si Baby Doc kung may lagnat? Me: of course pwede naman, nakakatulong yan sa pag pababa ng init. Mother: sabi daw kasi ng mga matatanda bawal po raw. Me: ito tanong ko. Ano raw ang advise nila kunwari super init na at kinukumbulsyon na at tumitirik na ang mata? Mother: ano po daw Doc punasan ng tubig na may ice. Me: oh see. Di ba sila nalilito sa kanilang payo? Bawal mabasa kung may lagnat pero kung kumbulsyon na ice water na! Wala bang gitna na payo? Meaning pwedeng mabasa o maligo ang may lagnat. Di kailangan na may ice dahil wala naman kumbulsyion. Lukewarm is ok para naman masarap pakiramdam ni baby. Kaysa naman magantay pa tayo ng kumbulsyion, maganda na yung pinipigilan na natin. Dr. Richard Mata Pedia

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply