BREASTFEEDING 101 (nakita ko sa fb)

MOST COMMON QUESTIONS ABOUT BREASTFEEDING AND BABIES & THE MOST COMMON ANSWERS PLUS LINKS TO ARTICLES POSTED ON THIS PAGE: ● Bakit parang walang nakukuhang gatas ang anak ko pagkalabas niya? - Paglabas ng bata, ang unang masususo niya sa nanay niya sa unang mga araw ay ang colostrum o kulay dilaw na gatas. Importanteng makuha ito ng bata dahil ito ang pinakamasustansyang gatas na nagtataglay ng antibodies na magbibigay ng immunity sa bata. - Asahang pagkatapos ng 3-4 days tsaka pa lang talaga lalabas ang gatas. - Malalamang may nakukuhang colostrum ang bata sa pamamagitan ng output tulad ng ihi at dumi. ● Paano dumami ang gatas ko? Ano'ng pwedeng kainin o inumin? - UNLILATCH • Pasusuhin lang ng pasusuhin ang bata para dumami ang gatas. Ang pagdami ng gatas ay nakabase sa law of supply and demand. Tingnan ang mga senyales na gutom na ang bata (look for hunger cues) at pasusuhin nang naaayon sa kagustuhan niya (feed on demand). Uminom din lagi ng tubig bago, habang, at pagkatapos sumuso ni baby para mapalitan ang fluid na nawawala sa'yo. ● Parang konti nalang ang gatas ko kasi konti lang ang lumalabas kapag pinipisil ko at konti lang din ang napu-pump ko - What you pump or what you express is not an indicator of your actual supply. Mas malakas ang sucking power ni baby kaysa sa pump o hand expression. ● Paano kapag nag-unlilatch ako? Natatakot ako baka ma-overfeed si baby. - Hindi mao-overfeed si baby. Walang overfeeding kapag direct latch si baby dahil kontrolado niya ang pag-inom ng gatas hindi tulad kapag bottle feeding na tulo lang ng tulo ang gatas. ● Madalas maglungad si baby. Normal lang ba yun? Ano ang pwede kong gawin? - Normal lang ang paglulungad (pag-akyat ulit ng gatas) sa sanggol dahil hindi pa mature ang digestive system niya. Kapag lumungad ang bata habang nakahiga, itagilid siya para tumulo ang gatas sa gilid. HUWAG agad itatayo si baby kapag naglungad nang nakahiga. Pagkatapos namang sumuso nang naka-cradle position, maghintay muna ng ilang minuto bago siya ihiga. TANDAAN: Walang kinalaman ang pagdighay sa paglulungad. Dumighay man o hindi ang bata, may chance pa rin siyang lumungad dahil sa immature digestive system niya. ● Delikado ba na lumabas ang lungad sa ilong ni baby? - Hindi delikado dahil nakalabas na. Ang mas delikado e 'yung hindi lumabas at pumunta sa baga ang gatas. Magkatabi lang ang pathway ng pagkain at airway at nagsasara ang airway everytime lumulunok si baby. Kapag naglungad si baby, itagilid lang siya hanggang sa lumabas ang gatas sa gilid. ● Magkapareho ba ang lungad at suka? - Magkaiba. Ang suka ay may pwersa samantalang ang lungad ay kusang lumalabas. Hindi normal ang pagsusuka. Para maiwasan ito, padighayin si baby kada pagkatapos sumuso at iwasang maalog siya pagkatapos sumuso. May mga pagkakataong ang dahilan ng sobrang pagsuka ng isang bata ay dahil sa acid reflux. Ipasuri sa doktor si baby kung sobra sobra ang pagsusuka. ● Bakit humihina ang gatas ko? - Isa sa mga dahilan ng paghina ng gatas ay ang pagpapainom ng formula. Ang mga oras na hindi sumususo si baby ay nakakapagpahina ng gatas ni mommy. - Maaaring nakainom si mommy ng gamot na hindi compatible sa breastfeeding kaya humina ang gatas. - Maaaring nagpu-pump si mommy pero hindi consistent ang interval o pagitan ng pumping hours. - Ang stress ay isa ring dahilan kung bakit humihina ang supply ng gatas ni mommy lalo na magiging dahilan ito para hindi siya maayos na makakain at makainom ng tubig. ● Bakit biglang ayaw nang sumuso ni baby sa akin? - Isa mga dahilan kaya biglang ayaw nang sumuso ng bata ay dahil sa nipple confusion. Kapag mixed fed ang bata o kapag nagpupump si mommy at feeding bottle ang ginamit, mataas ang posibilidad na magkaroon ng nipple confusion. - Ang nipple confusion ay kapag inayawan ni baby ang nipples ni mommy dahil nasanay sa nipple ng bote. ● Laging umiiyak si baby at gusto laging nakakarga. Mababaw din ang tulog niya at gusto ay laging sumuso nang sumuso. Bakit ganito? - Baka nasa growth spurt stage si baby kapag ganito ang sitwasyon o kaya naman ay hinahanap lang ang init ng katawan ni mommy. - Maaaring epekto din ng growth spurt ang pagtanggi niya sa suso ni mommy. ● Masakit at may sugat ang utong ko. Ano ang pwede kong gawin? - Pahiran ng breastmilk at i-air dry. Ipasuso pa rin kay baby kahit na may sugat at masakit dahil laway din ni baby ang makakapagpagaling dyan. ● Mayroon akong nakakapang bukol sa suso ko. Ano kaya ito at paano ito maaalis? - Maaaring clogged ducts yan dahil hindi na-eempty ni baby ng maayos ang suso. - Mag-hot compress (yung kaya mong init) at i-massage ang suso. Ipasuso nang ipasuso kay baby hanggang sa lumiit o mawala ang bukol. ● Delikado ba ang sidelying position kapag nagpapasuso? - Safe ang sidelying position basta tama ang pagkakagawa. Kailangang buong katawan ni baby ang naka side at hindi ulo lang para maiwasang pumasok sa baga ang gatas. Kailangan ding tummy to tummy (magkadikit ang tiyan) nina mommy at baby. Inirerekomendang walang unan si baby para hindi siya mahirapang lumunok at huminga. Ang pagpasok ng gatas sa baga o aspiration ay mas common sa bottlefed babies na hindi elevated ang ulo dahil tulo lang ng tulo ang gatas at walang control si baby. ● Masyadong malakas ang gatas ko at laging nasasamid o nabubulunan si baby. Ano ang pwede kong gawin? - Mag laidback position kapag nagpapasuso. Nakasandal si mommy at may support na unan sa likod. Si baby naman ay nakadapa kay mommy. Sa ganitong posisyon, kontrolado ang paglabas ng gatas. - Pwede ring maghand express muna ng breastmilk bago magpasuso kung ang gustong posisyon ay ang nakagawiang posisyon na cradle hold. ● Bakit hindi na tumitigas ang suso ko at bakit hindi na sumisirit ang gatas ko? - Kapag hindi na tumitigas ang suso, ibig sabihin ay stable na ang supply ng gatas ni mommy. - Kapag stable na ang supply, ibig sabihin, ang pino-produce na gatas ng suso ay nakabase na sa pangangailangan ni baby. ● Pwede ba kong magpasuso kapag may lagnat ako? - Pwedeng pwede. Kapag may sakit ang nanay, naglalabas ang suso ng antibodies na nagsisilbing proteksyon para hindi mahawa si baby. ● Pwede bang magpasuso kapag may sipon/ubo/trangkaso/tigdas/bulutong ang nanay? - Pwede. Just observe proper hygiene. Laging maghugas ng kamay/ maglagay ng alcohol, magsuot ng mask, at iwasang halikan si baby. Kapag may tigdas at bulutong, magsuot ng long sleeves. Kapag may bulutong ang mismong breast area, mas mabuting mag hand express o mag pump nalang breastmilk. ● Pwede ba kong uminom ng gamot kapag nagpapasuso ako? - Hindi pwedeng basta basta uminom ng gamot. Kailangan ay i-check muna sa e-lactancia.org ang generic name o active ingredient ng gamot para malaman kung compatible ito sa breastfeeding. May mga gamot na maaaring maka apekto kay baby at sa supply ng gatas ni mommy. - Never self medicate. Always consult a doctor before taking any medicines. ● Ilang araw nang hindi dumudumi ang anak ko. Normal lang ba yun? - Kapag EBF (exclusively breastfed) ang bata, kailangan ay araw araw siyang dumumi mula pagkapanganak hanggang anim na linggo. Paglagpas ng 6weeks, normal nang hindi araw araw ang pagdumi (basta masigla ang bata at malambot naman ang tiyan) dahil mabilis ma-absorb ng katawan niya ang breastmilk. - Kapag nag-umpisa nang kumain ng solids ang EBF na baby, dapat ay araw araw na uli ang pagdumi. - Kapag mixed fed o formula fed ang bata, kailangan araw araw ang pagdumi niya. - Kapag nahihirapan dumumi ang bata, i love you massage o bicycle exercise ang karaniwang ginagawa. ● Pwede ba kong uminom ng alak kapag nagpapasuso? - Pwede pero kailangan in moderation dahil baka hindi na maalagaan si baby kapag naparami ng inom at nalasing. - Tandaan din na ang labis labis na alcohol ay pwedeng magdulot ng panganib kay baby lalo na't hindi agad ito maaalis sa katawan ni mommy kapag sobra sobra. ● Meron bang bawal kainin kapag nagpapasuso? Natatakot ako baka mawalan ng sustansiya ang gatas ko. - Walang bawal kainin ang breastfeeding mommy. Just eat in moderation. Lagi din tingnan kung may allergic reactions si baby para maiwasan ang pagkain na iyon. - Kung may history ng allergy ang pamilya to certain type of food, mas maiging iwasan muna ang pagkaing iyon. - Kung may G6PD si baby, mas mainam na kumonsulta sa doktor. ● Napapanis ba ang gatas sa loob ng suso? - Hindi napapanis ang gatas sa loob ng suso. ● Pwede ba kong uminom ng malamig kapag nagpapasuso? - Pwede. Hindi totoo na kapag uminom ka ng malamig ay malalamigan ang bata dahil paglabas ng gatas mo ay processed na ito at maligamgam ang temperatura nito. ● May overfeeding ba sa breastfeeding? - Kapag direct latch, walang overfeeding dahil kontrolado ni baby ang pagsuso niya. ● Kailan pwedeng mag-umpisang mag-pump? - Inirerekomenda ang pag-pump ng gatas 6weeks pagkatapos manganak para hindi magkaroon ng oversupply at para maiwasan ang pagkakaroon ng clogged ducts na maaaring mauwi sa mastitis. - Kaya 6 weeks dahil inaasahang magiging stable na ang supply sa panahong ito. - Mayroong special cases na pinapayagan ang pag-pump ng maaga tulad halimbawa kapag nasa NICU si baby. ● Kapag nagpump ako, ilang oz ang dapat kong ipainom kay baby? - Mayroong 1-1.5oz per hour rule na sinusunod. Anumang sumobra dito ay maaaring makapagdulot ng overfeeding kay baby. ● Inverted ang nipple ko. Ano ang pwedeng gawin? - Ipasuso ng ipasuso kay baby o kaya kay hubby. - Gawin ang syringe method o technique - Humingi ng tulong sa lactation counselor ● Para akong lalagnatin at matigas ang suso ko. Mayroon ding sugat. Ano kaya ito? Ano ang pwede kong gawin? - Maaaring mayroon kang mastitis o impeksyon sa suso. Ang pinagmumulan nito ay clogged ducts. Maaaring mapasukan ng bakterya ang suso (sa pamamagitan ng bibig ni baby) lalo na kapag may hiwa ang nipple. - Magpa check up agad sa doktor para mabigyan ng tamang gamot. - Pwedeng magpasuso kahit may mastitis. - Maglagay ng malamig na dahon ng repolyo para maibsan ang pamamaga ng suso. ● Gusto kong ibalik sa pagsuso ang anak ko. Pwede pa ba akong magkagatas ulit? - Pwede kang mag-relactate.. Gawin ang mga sumusunod: - Mag pump o hand express - Mag skin to skin kayo ni baby - Humanap ng breastfeeding specialist - Subukan ang galactagogues o milk booster - Siguraduhing napapakain nang maayos si baby - Subukan ang drip and drop method - Maging matiyaga at habaan ang pasensya - Gawing motivation si baby - Huwag i-pressure ang sarili Post about Relactation: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=333619237261676&id=216185339005067 ● Nipple confused na si baby. Ano ang gagawin ko? - Mag skin to skin kayo ni baby. Make sure na wala kayong damit pang itaas parehas and keep offering your breasts. - Avoid giving bottles. Do cupfeeding instead. Kapag nagta-train mag cupfeed si baby, kailangang wala si mommy para masanay si baby sa magpapa cupfeed sakanya. - Gawin ang drip and drop method. Pwedeng kutsara ang gamitin imbes na baso, Habang sumususo si baby, patuluin ang gatas sa suso para mag-encourage ng sucking at stimulation. ● Kinakagat ni baby ang nipple ko. Ano ang pwede kong gawin? - Isubsob ng bahagya ang mukha ni baby sa suso o kaya naman ay ipasok ang iyong hinliliit sa gilid ng bibig niya hanggang sa bumitaw sa pagsuso - Magsabi ng "NO" o kaya ay "DON'T BITE MAMA" nang seryoso ang mukha. Huwag ngingiti dahil iisipin niyang nagbibiro ka lang. ● Gaano katagal tumatagal ang expressed breastmilk? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273292453294355&id=216185339005067 ● Paano mag-cupfeeding? https://www.facebook.com/216185339005067/posts/402273140396285/ Please watch this video. https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=306480949975505&id=216185339005067 ● Buntis ako. Pwede pa rin ba kong magpasuso? - Pwedeng magpasuso kung hindi maselan ang pagbubuntis. Ang breastfeeding kasi ay maaaring mag-cause ng contractions kaya mainam na kumonsulta sa OB para malaman ang kondisyon ng pagbubuntis. ● May sipon at ubo si baby, ano ang pwedeng remedy habang hindi pa nakakapagpa-check up? - Paarawan si baby tuwing umaga. Make sure exposed sa araw ang at least 70% ng katawan niya. Importanteng maarawan ang likod. Iwasang maarawan direkta sa mata. Continue breastfeeding. Observe baby and kung after 3 days wala pa ring improvement, please consult pedia. ● Ano ang magandang vitamins para sa breastfeeding moms? - Ang recommended na vitamins ay ang pre-natal vitamins o yung mga vitamins na iniinom nung nagbubuntis pa lang. Please consult your OB kung hindi na maalala ang vitamins na dating iniinom. ● Ano ang magandang vitamins para sa babies? - There is actually no need for vitamins kung wala namang vitamins deficiency si baby which could be determined through blood test. Kung breastfeeding ka naman, no need na rin dahil enough na ang vitamins ng breastmilk at least for the first 6 months. As soon as baby reaches 6 months, pwede nang mag offer ng healthy food sa kanya. Mas maganda ang totoong food kaysa sa synthetic vitamins. Now, if you still want to give vitamins to your baby, please talk to your pedia. ● Kailan pwedeng pakainin at painumin ng tubig ang baby? - Ang recommendation ay 6 months dahil by this time, ready na ang digestive system ni baby para kumain at uminom ng tubig. * Please note that breastmilk is 88% water kaya there's no need for water for babies below 6months old. ● May orange na stain o mantsa sa diaper ni baby. Ano kaya ito? - Ang orange stain sa diaper ay pwedeng mangahulugan ng dehydration at/o UTI sa isang sanggol. Pasusuhin nang pasusuhin si baby at obserbahan. Kung nanghihina o matamlay o walang luha kapag umiiyak, maaaring severely dehydrated siya. * Please note na output din ang pawis. Kaya kung kaunti ang ihi pero pawisin naman si baby at active, walang dapat ipag-alala. Kung nangangamba pa rin para sa bata, kumonsulta na sa doktor. Tandaan na delikado ang dehydration at nangangailangan ito ng agarang medikal na atensyon. ● Lubog ang bumbunan ni baby. Ano ang ibig sabihin nito? - Ang lubog na bumbunan o sunken fontanelle ay isang senyales ng dehydration sa babies. Pasusuhin nang mas madalas si baby. Kung madalas pa ring lubog ang bumbunan, ipa check up na sa doktor. ● Normal ba ang sinok sa babies? - Opo. Kahit sa tiyan palang nung pinagbubuntis natin sila, sinisinok na sila. ● Ilang weeks na si baby pero basa pa rin ang pusod niya. Ano ang pwede kong gawin? - Laging linisin ang pusod niya gamit ang 70% na alcohol. Huwag din bibigkisan para mahanginan. Huwag hahayaang masagi ng diaper ang pusod para mabilis maputol at gumaling. ● Normal bang hindi agad mag mens ang isang breastfeeding mom? - Yes. Ito ay dahil sa tinatawag na Lactational Amenorrhea Method (LAM) kung saan nadedelay ang pagbalik ng regla ng isang babae dahil nagsisignal ang katawan ni mommy sa utak na huwag munang mag produce ng hormones na responsible for menstruation. ● Totoo ba na hindi agad mabubuntis kapag breastfeeding ka? - There's 98-99% na hindi agad mabubuntis because of LAM*. PERO, para maging effective ang LAM, kailangang masunod ang 3 kondisyon na ito: 1. Wala pang 6 months si baby 2. Hindi pa bumabalik ang regla 3. Nagpapasuso ka on demand o hangga't gusto ni baby. Kailangan ay magpasuso at least every 2 to 3 hours o equivalent to 8 to 12times a day. *Tandaan na kapag mayroong hindi nasunod sa tatlong 'to, malaki na ang chance na mabuntis ka. Ang average na pagbalik ng mens kapag nasunod ang LAM ay 14.6 months. ● Ano ang magandang contraceptive/pills for breastfeeding moms? - Iba iba ang katawan ng bawat babae so it's best to consult an OB-Gynecologist. Just tell her na breastfeeding mom ka para mabigyan ng pills na compatible sa breastfeeding moms. ● Pwede bang magpa-rebond o hair color ang breastfeeding moms? - Pwede. Iwasan lang ang treatments na mayroong formaldehyde dahil maaaring magkaroon ng negatibong epekto 'yun kay baby. Mas makabubuti rin na hintayin nalang munang matapos ang postpartum hairloss o paglalagas ng buhok bago magpa rebond o magpakulay. Kung magpaparebond, huwag isasama si baby sa salon para hindi niya maamoy ang gamot. Mag-iwan nalang ng expressed o pumped breastmilk para kay baby. * For more info about postpartum hairloss, please read article (nasa baba po ang link) ● Pwede bang magpabunot ng ngipin ang breastfeeding moms? - Pwede. Maraming gamot ang compatible sa breastfeeding moms. Check generic name and active ingredients of medicines at e-lactancia.org for breastfeeding compatibility. ● Pwede bang maglagay o magpahid ng beauty products ang breastfeeding moms? - Pwede naman. Just make it a habit to read the packaging of the products you are about to use. Pwede ring i check ang active ingredients sa e-lactancia.org. ● Pwede bang uminom ng Myra E ang breastfeeding moms? - Hindi. Masyadong mataas ang international units (I.U.) ng Myra E na 300iu at 400iu. Ang recommended daily allowance (RDA) ng vitamin E para sa breastfeeding moms ay 30iu lang. ● Pwede bang uminom ng multivitamins ang breastfeeding moms? - Pwede. I check lang ang packaging dahil mayroong ibang vitamins na may precautions lalo na sa lactating o breastfeeding moms. Summarized by: Van Mallorca ============================================= SOME USEFUL LINKS FOUND IN THIS PAGE ● MOST COMMONLY USED TERMS IN BREASTFEEDING https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=274583919831875&id=216185339005067 ● RELACTATION https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=333619237261676&id=216185339005067 ● LUNGAD https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=376830022940597&id=216185339005067 ● PWEDE BANG UMINOM NG ALAK KAPAG NAGPAPASUSO? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=285631895393744&id=216185339005067 ● MAY MGA BAWAL BA SA BREASTFEEDING MOMS? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=275297483093852&id=216185339005067 ● ALWAYS WORRIED ABOUT YOUR MILK SUPPLY? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=270425933581007&id=216185339005067 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=272466570043610&id=216185339005067 ● COLOSTRUM STORAGE AND PROPER BREASTMILK STORAGE https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=330535947570005&id=216185339005067 ● BREASTFEEDING AKO PERO BAKIT UNDERWEIGHT O PAYAT ANG ANAK KO? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=274685383155062&id=216185339005067 ● OVER-THE-COUNTER MEDICINES AND THEIR COMPATIBILITY TO BREASTFEEDING https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=274269496529984&id=216185339005067 ● WHY IS MIXED FEEDING NOT RECOMMENDED? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273295406627393&id=216185339005067 ● TYPES OF BREASTMILK https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=270839760206291&id=216185339005067 ● CHECKLIST KUNG TAMA ANG PAGSUSO NI BABY https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=279090302714570&id=216185339005067 ● BREASTFEEDING AKO PERO BAKIT HINDI MATABA ANG ANAK KO? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=270488403574760&id=216185339005067 ● BREASTFEEDING MYTHS AND FACTS https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=269012860388981&id=216185339005067 ● THINGS YOU NEED TO KNOW ABOUT BREASTFEEDING https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=274292266527707&id=216185339005067 ● COMMON BREASTFEEDING PROBLEMS AND HOW TO ADDRESS THEM https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=377583532865246&id=216185339005067 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=271076793515921&id=216185339005067 ● GROWTH SPURTS: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=264445867512347&id=216185339005067 ● HAVING TROUBLE BREASTFEEDING BABY? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=268232230467044&id=216185339005067 ● SUPPLEMENTING FORMULA IS NOT A SOLUTION TO LOW BREASTMILK SUPPLY https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=267616053861995&id=216185339005067 ● BREASTFEEDING AKO PERO BAKIT LAGING MAY SIPON AT UBO ANG ANAK KO? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=268676817089252&id=216185339005067 ● BAKIT PAWISIN ANG BREASTFED BABIES? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=284341275522806&id=216185339005067 ● MGA KAILANGANG BAKUNA NI BABY https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=284914592132141&id=216185339005067 ● MILK BLISTER O MILK BLEB https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=274227486534185&id=216185339005067 ● VIRGIN GUT https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=326762881280645&id=216185339005067 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=266332540657013&id=216185339005067 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=266928060597461&id=216185339005067 ● WHY BABIES KEEP ON CRYING AFTER YOU GIVE BIRTH https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=265398150750452&id=216185339005067&ref=bookmarks ● LAM OR LACTATIONAL AMENORRHEA METHOD- BREASTFEEDING AS BIRTH CONTROL METHOD https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=271045450185722&id=216185339005067 ● PACIFIER https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273611659929101&id=216185339005067 ● PNEUMONIA https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273956109894656&id=216185339005067 ● PAANO KAPAG NAHULOG ANG BATA SA HIGAAN O MATAAS NA LUGAR? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=274608579829409&id=216185339005067 ● CLUSTER FEEDING https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=265985984025002&id=216185339005067 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=329648000992133&id=216185339005067 ● WHY IS BREASTFEEDING ON DEMAND IMPORTANT https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=263370310953236&id=216185339005067 ● HOW TO INCREASE BREASTMILK SUPPLY: https://www.facebook.com/216185339005067/posts/216206529002948/ https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=272623860027881&id=216185339005067 ● WALA BANG GANANG KUMAIN SI BABY AT PURO BREASTMILK LANG ANG GUSTO? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=272700626686871&id=216185339005067 https://m.facebook.com/breastfeedingmommyblogger/photos/a.216193489004252/272700596686874/?type=3&source=54 ● BAKIT HINDI PWEDE ANG SOBRANG VITAMIN E SA BREASTFEEDING MOMS https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=264441524179448&id=216185339005067 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=270177083605892&id=216185339005067 ● HINDI BA PANTAY ANG SUSO MO AT MAY PABORITONG SUSO SI BABY? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=274068823216718&id=216185339005067 ● HOW MILK PRODUCTION WORKS https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=266755233948077&id=216185339005067 ● ENTEROMAMMARY PATHWAY https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=265662394057361&id=216185339005067 ● BREASTMILK COLORS: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=264525884171012&id=216185339005067 ● COMPLEMENTARY FEEDING https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=277096709580596&id=216185339005067 ● COMPLEMENTARY FEEDING GUIDELINES https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=389940264962906&id=216185339005067 ● PAYAT ANG ANAK KO. DAPAT BA KONG MAG-ALALA? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=313566495933617&id=216185339005067 ● BAKIT DINIDISCOURAGE ANG VITAMINS GIVING IF NOT NECESSARY? https://www.facebook.com/216185339005067/posts/221535035136764/ ● NEONATAL JAUNDICE https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273704799919787&id=216185339005067 ● BAKIT HINDI PWEDENG BASTA UMINOM NG GAMOT ANG ISANG NAGPAPASUSONG INA? https://www.facebook.com/216185339005067/posts/218150332141901/ ● HABITS OF BREASTFED BABIES THAT DRIVE MOMS CRAZY https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=216213699002231&id=216185339005067 ● HOW OFTEN SHOULD A BABY POOP? https://www.facebook.com/216185339005067/posts/396309867659279/ ● ORANGE STAINS OR URATE CRYSTALS ON BABY'S DIAPER https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=265759980714269&id=216185339005067 ● TONGUE TIE & LIP TIE ON BABIES https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=327446934545573&id=216185339005067 ● ORAL THRUSH https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273638236593110&id=216185339005067 ● PARACETAMOL AT IBUPROFEN https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=278226082800992&id=216185339005067 ● G6PD https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=275275399762727&id=216185339005067 ● SIDS (SUDDEN INFANT DEATH SYNDROME) https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273987286558205&id=216185339005067 ● SHAKEN BABY SYNDROME https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=274383339851933&id=216185339005067 ● CRADLE CAP https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273916839898583&id=216185339005067 ● PWEDE BANG MAGPASUSO KAPAG MAY SAKIT ANG NANAY? https://www.facebook.com/216185339005067/posts/217069268916674/ ● ASPIRATION PNEUMONIA https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273055626651371&id=216185339005067 ● PWEDE BANG MAGPA-REBOND ANG BREASTFEEDING MOMS? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=268583817098552&id=216185339005067 ● BAKIT HINDI PWEDENG PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL NA WALA PANG 6MONTHS? https://www.facebook.com/216185339005067/posts/217056185584649/ https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=283605605596373&id=216185339005067 ● HANDA NA BA ANG SANGGOL NA KUMAIN BAGO MAG 6MONTHS? https://www.facebook.com/216185339005067/posts/217004945589773/ ● SIDELYING POSITION https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=272982383325362&id=216185339005067 ● BICYCLE EXERCISE https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2135329423186179&id=216185339005067 ● GROWTH CHART https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273041839986083&id=216185339005067 ● BREASTMILK STORAGE GUIDE https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273292453294355&id=216185339005067 ● HAND EXPRESSION https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273324626624471&id=216185339005067 ● MGA MALING PANINIWALA TUNGKOL SA PAGPAPASUSO https://www.facebook.com/216185339005067/posts/216949592261975/ https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=227921704498097&id=216185339005067&comment_id=268701453753455¬if_t=feed_comment¬if_id=1536420361414867&ref=m_notif ● ANO ANG PWEDENG GAWIN KAPAG NANGANGAGAT ANG BATA? https://www.facebook.com/216185339005067/posts/216919545598313/ ● MASAKIT BA ANG PAGSUSO NI BABY? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=265309824092618&id=216185339005067&ref=bookmarks ● SYRINGE METHOD: REMEDY FOR INVERTED NIPPLES https://www.facebook.com/216185339005067/posts/216264562330478/ ● NORMAL BA ANG LUNGAD SA MGA BABY? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=264359120854355&id=216185339005067&comment_id=266034557353478¬if_t=feed_comment¬if_id=1535704830755793&ref=m_notif ● DELIKADO BANG LUMABAS SA ILONG ANG LUNGAD? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=265324077424526&id=216185339005067&comment_id=266997883923812¬if_t=feed_comment¬if_id=1535904160520769&ref=m_notif https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=329621540994779&id=216185339005067 ● DOES FAT MEAN HEALTHY? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=264214867535447&id=216185339005067&_rdr ● BAKIT LAGING NILALARO NI BABY ANG KABILANG SUSO NI MOMMY HABANG SUMUSUSO? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=265022124121388&id=216185339005067 ● KAILANGAN BA NG VITAMINS NG BREASTFEEDING MOM? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=270202613603339&id=216185339005067 ● NAKAKABABA BA TALAGA NG LAGNAT ANG ALCOHOL? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=266261497330784&id=216185339005067 ● TIGDAS https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=327853331171600&id=216185339005067 ● SENYALES NG PAGNGINGIPIN NG BATA https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=318893165400950&substory_index=0&id=216185339005067 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=325882384702028&id=216185339005067 ● BAKIT DINI-DISCOURAGE ANG PAGHALIK SA MGA BABIES? https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=285314222092178&id=216185339005067 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=329725707651029&substory_index=0&id=216185339005067 ● SECOND HAND SMOKE EFFECTS ON BABIES https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=326906337932966&id=216185339005067 ● PLUGGED DUCTS AND MASTITIS https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273389153284685&id=216185339005067 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=327714494518817&id=216185339005067 ● POSTPARTUM DEPRESSION: https://www.facebook.com/216185339005067/posts/221572901799644/ https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=271825790107688&id=216185339005067 ● POSTPARTUM HAIRLOSS https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=265405877416346&id=216185339005067 ● LOCHIA O PAGDUDUGO MATAPOS MANGANAK https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=271030606853873&id=216185339005067 ● BINAT https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=272353773388223&id=216185339005067 ● BREASTFEEDING RELATED PHOTOS: https://m.facebook.com/pg/breastfeedingatusapangnanay/photos/?tab=album&album_id=223243454965922&ref=bookmarks ● OTHER ESSENTIAL PHOTOS: https://m.facebook.com/pg/breastfeedingatusapangnanay/photos/?tab=album&album_id=223259258297675&ref=bookmarks ● BREASTFEEDING PINAYS GROUP LINK: https://m.facebook.com/groups/376965185733308?tsid=0.8123293296571428&source=result (Most common questions and answers from Breastfeeding Pinays group) If you wish to join BREASTFEEDING PINAYS, kindly click the link and join. Thank you! ?❤ https://m.facebook.com/groups/376965185733308?tsid=0.8123293296571428&source=resultes

78 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Thank you so much..mahaba pro worth it basahin🥰😊God bless you

5y ago

True. Andyan na halos lahat ng tanong ng mga mommies dito. Hehe.

possible po ba na walang lumabas na colostrum sa nanay?

Welcome mommies! Spread the word po. Good morning 🥰

mas maganda kung mga ganitong post ang nababasa 😊

Thank you sis. This article is very helpful.

Wow! Thank you for this! ♥️♥️♥️

Thank you so much for this informations =)

pwede po ba hubby ko ang sumuso sa akin?

Wow! Lots of information! Thanks sis..

salamat s munting kaalaman 😍😍 ..