Mga mommy, normal lang ba na mag isip ng kung ano ano during pregnancy, like baka may deperensya or what. Pero kumpleto naman ako sa vitamins.

Monthly check up sa private, healthy foods and anmum 2-3 glasses a day.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan ako ngayon na pati sa panaginip ko iniisip ko baby ko.. nagpaTVS nga ko uli nung medyo nagworry ako pero ayun, okay naman baby ko. Mas malakas pa nga heartbeat niya compared sa unang TVS ko saka ayun, nakita ko na siya na nabubuo. Magpapa CAS ako sa April at 3D na din. Ganito ata talaga pag preggy lalo na pag first time hehe

Magbasa pa

Normal lang po. Paglabas ng baby ko, tiningnan ko din po agad kung kompleto mga daliri. Hehe. Tapos nong buntis ako, kahit nagpa CAS na at nornal naman, andiyan pa din ung kaba na what if may mangyari at magka birth defect. Pero just pray lang po mommy and try your best to enjoy your pregnancy journey. :)

Magbasa pa
VIP Member

Its part of pregnancy mindset momshie. If you have complete vitamins, monthly checkups with your OB then you are doing fine. All you need to do is stay out of stress, drink water, stay healthy and enjoy your pregnancy to the fullest because when your done you’re going to miss it!

5y ago

Thank you mommy! What a relief!🙏🏻 Godbless you and your family❤️

Same. Nakainom ako ng gamot nung first trimester before I knew na pregnant ako. While everyone else is worrying about their baby's gender, ako dasal ng dasal na maski ano masta okay lang si baby. Walang mintis na vitamins and healthy foods. Kalabas ni baby okay naman sya. 😊

5y ago

Ako nga nag heavy training pa sa gym buntis na pala ko, puro talon and buhat ang program ko pero ayun, kapit na kapit si baby.

normal lang po yan..ganun din ako..nakakainis nga eh..minsan di ako makatulog sa gabi kakaisip..pati sa panganganak ko..kung anu mangyayari..pero dinadaan ko nalang sa prayer lahat..si Lord nalang bahala..alam ko naman di nya kami ni baby papabayaan..

VIP Member

Hahaah! Same. Ganyan din ako nung pregnant pa ako, what if kulang ang mga daliri or sobra. What if may bingot si baby. Hindi na din ako nagpa CAS mahal kasi. Hehe. Prayers lang talaga. Thank God , healthy naman si babyy. 😍😍

5y ago

Congenital Anomaly Scan, yung iche-check nila lahat kay baby makikita mo sa screen, nasa 3,000 kasi ang CAS 😊😁

Wag maxado mag isip and mag worry po momsh z bka MA stress ka mka apekto k baby.. Pra po di ka maxado mag isip I divert Mu po Yung atensyon mu like reading for healthy pregnancy or what to expect after pregnancy mga Ganon po.

5y ago

Thank you mommy! Godbless you and your family.❤️

Very normal po. Ako din ganyan. Kabado bente nung transV, CAS at BPS. Iniisip ko palagi baka bingot, baka may part na di masyadong nagdevelop, kunh sino kamukha. Kung mailalabas ko ba siya ng buhay.. Mga ganurn.

VIP Member

Ganyan ako mag isip 😔 minsan sobrang nag aalala talaga ako, ginagawa ko mag dasal na sana normal lahat kay baby .. siguro normal naman yun lalo na pag first time mom kagaya ko ..

Ganyan din ako momshie.. Pero nagpipray ako nasa lumabas ang baby ko na malusog, walang labis at walang kulang sakanya.