1stym mom ❤
momshii , survey lang dn po to para po saming mga 1stime mom, kung papipiliin po ba talaga kayo , "LYING-IN or HOSPITAL" ??? At bakit po??? #firstbaby #1stimemom #pleasehelp #pregnancy #advicepls
For me mommy depende po sa situation niyo. If regular po kayong nagpapa checkup and hindi naman high risk, no complications and malaki yung chance na normal delivery, pwede niyo po siguro iconsider yung lying in. Lalo na po sa situation ngayon na nakakatakot sa hospital dahil mas madaming exposure, although usually separate naman ang maternity. Pero if katulad niyo po ako na medyo naging maselan dahil may risk ng pre eclampsia, need po talaga sa hospital kasi malaking chance na ma CS. Best to consult your OB din po dahil sila yung makaka tulong talaga sainyo. God bless po and hoping for your safe delivery! 🤗
Magbasa pabased on my experience as a midwifery student before, mas prefer ko yung lying-in maternity clinic, bakit? kasi mas natutukan ka sa lying in kesa sa hospital private man o hindi, at mas okay po na ang pipiliin mong lying in ay ung mismong OB mo yung may ari ng clinic para pag nagka emergency hindi mo na kailangan mag hintay ng OB na dadating sayo para icheckup ka, kasi po on call kadalasan yung mga OB pag ang may ari ay midwife. Ako po sa lying in ako nag papa check up at mas prefer ko manganak dun, mas safe pa para satin ngayon pandemic at OB ko mismo may ari ng clinic.
Magbasa paPersonally mas pipiliin ko yug hospital esp na First Time Mom tayo. Mahirap pag lying in kasi what if magkaroon ng emergency? Minsan kasi normal tingnan lahat pero my isang prob pala na nakaligtaan or di napansin since malikot pa yan si baby sa loob. Isa pa di pa natin alam pano umire. Yung mga tao rin dun sa hospital iguide tayo. Di bali mag lying in sa 2nd baby kasi atleast aware na tayo sa mga pagkakasunod ng dapat gawin. Pero ngayon pagkaka alam ko bawal na manganak yung mga first time mom sa lying in
Magbasa pa1st time mom ka po sis much better na sa hospital ka po manganak.. and as far as I know po di po tumatanggap ang lying in ng mga new moms, at mahirap pag nag kakomplekasyon kayo mag ina.. buti po kung di na kinaya at anjan na ulo ng baby sa pwerta ng mommy like nung kakilala ko na 1st time mom din sya pero ipinanganak nya baby nya sa lying in gawa nga ng malayo sila sa hospital and nasa pwerta na ulo ni baby.. pero advice lang, much better pa rin na nasa hospital ka manganak para safe..
Magbasa paako noon meron ako pre natal check up sa lying in meron din sa hospital para in case don ako itakbo ng Mama ko may record ako ginagalitan kasi dito samin pag walang record. kung panganay po mag hospital ka na. katwiran ng Mama ko noon anuman mangyari andon na lahat ng gamit pano kung may iba mangyari itatakbo ka din hospital. At yun na nga nangyari nagka complications ako sa lying in tinakbo din ako sa hospital I was 50/50 that time.
Magbasa paHospital sana kung walang covid (masyado kasi magastos ngayon sa hospital, pati ppe nila babayaran mo pa) . 😅 pero pinili namin sa lying in kasi may OB din naman sa pinupuntahan namin at kahit pano low risk naman pregnancy ko ngayon 😅 First time mom din ako kaya need ko ng OB kahit sa Lying in clinic, sila mismo di napayag na midwife lang andun. Sana talaga mairaos namin ng safe to kabuwanan ko na kasi this month 😌
Magbasa pafor me hospital. ftm dn ako mamsh. and nahirapan ako sa labor at delivery kaya kung ano2 gnwa saken ng ob ko. dumating s point n need i vaccum c baby gawa ng nd nako makaire s sobrang pagod at tagal ko naglabor. kung nd pa na last shot emergency cs sana. mataas pain tolerance ko perokung andun kna nd mo n mssbi ung pedeng mangyre at ndnmo dn alam kung mrunong kang umire. mas ok na ung prepared lht pra s safety nyo ni baby.
Magbasa palying in ok lang pero dapat may regular check up sa ob kasi may mga lying in na midwife nagpapaanak..mahirap pag magkakasakit ka pag wala kang ob kasin e refer ka nila sa hospital para magamot e angg hirap ng sitwasyon ngayon mabuti ng may ob para pag anong mararamdaman mo mag text ka lang sa.kanya reply agad..
Magbasa paFor me po na sa ospital nagpapa check up kung may budget naman po sa ospital po magpa check up kasi mas complete po yung facilities/services in case may prob sa mommy or baby (na huwag naman Sana) at least andoon kana po sa hospital. pero it's a case to case basis po depende sa situation ni baby and mommy
Magbasa paFor me po basta regular ang check up sa OB and normal lahat then lying in...lying in po ako nanganak sa 2 anak 😊...my 1st born was delivered 6 years ago...and my 2nd was last dec 2020 😊...ung OB is sya rin ang OB na affiliate ng lying in kung san ako nanganak kaya monitored narin 😊