Milk for Pregnant

Hi momshies,okay lang ba kung hindi umiinom ng Anmum milk? Hindi ko talaga kasi gusto ang lasa ng Anmum milk,all flavors ng Anmum na try ko na,pero di talaga pasado panlasa ko.. Baka may epekto kasi ky Baby ? Running 8mos Preggy ? Thankyou sa mkakasagot

48 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang kahit ung normal na gatas nalang siguro ung kaibigan ko bear brand iniinom nia di din kase nya type anmum okay naman ung bata paglabas 3.5kilos o kaya pareseta ka kay ob parang ginawa sakin di ako sinbihan mag gatas kase mataas daw sa sugar di advisable sa may pcos na katulad ko kaya pinag take nalang nia ko ng vitamins na calcium

Magbasa pa

Hello momshie during my pregnancy po hindi po ako umiinom ng maternal milk kasi hindi din pasado sa panlasa ko. What I did is drink my vitamins everyday, drink more water, eat variety of fruits and vegetables as long as hindi bawal sa preggy. So far po healthy naman baby ko.

Super Mum

Yes po mommy. Yung sa situation ko po sinabi ko sa OB ko na d ko na kayang inumin ang anmum then she suggested me to take Fresh Milk Low Fat. panoorin nyo po video ko I discussed everything dto about po sa milk intake ko https://youtu.be/Eie1eTz7UKM

ok lang daw sabi ng ob ko sa akin ko momy.. ako kase everytime iinum ako ng milk nun pang buntis like anmum napapa cr ako... kaya sabi ob ko mas pangit naman daw kong ng linalabas ko lang din mga nutrients sa katawan ko... kaya tinigil ko

Nung first trimester naka anmum ako. Hanggang sa nauta na ko talaga sa lasa. Pinaltan ni ob ko ng birch tree or bear brand. Nadagdagan ang timbang ko kaya tinigil ko ang milk. Ginawang 2x a day ni ob yung calcium ko.

Prenagen mommy try mo yung choco masarap. pwede din haluan mo ng konting kape sa anmum para di malasa ang anmum parang kape lang ganun. sinabi ng ob ko yan sakin eh effective💁🏻‍♀️

VIP Member

It's okay nun unang panahon di naman uso ang anmum. As long as kumakain ka ng masustansya at umiinom ng vitamins na nireseta ng ob mo para maiwasan nyo ang deficiency.

VIP Member

Mas okay po na umiinom kayo ng gatas kasi need niyo po pareho yan, di lang si baby. Try niyo po ibang brand ng milk. Konting tiis nalang din naman po.

5y ago

Lalo need daw po ng matawan natin ng Calcium, pwede daw pong magkulang sa Calcium si baby or pwedeng kayo po ang magkulang kasi kukunin ni baby yung Calcium niyo sa katawan.

Ok lang naman kahit di mag gatas. Sa 2 pregnancy ko di naman nagrecommend ung OB ko na magmilk ako. Nagprescribe lang cya ng calcium tablets🙂

Ako din momsh ayaw ko ng annum iba kasi ang lasa. Bear brand or alaska n lng ang iniinom ko atleast nkainom ako. Just praying na ok si baby😊