Spotting at 9 weeks

Hi momshies, share ko lang TRANS V ko kahapon, 8weeks and 6days na ang baby ko kahapon iba sa result ng LMP ko, pero okay lang. Nagpatrans v ako kahapon kasi, nagkaroon ako ng spotting nun umaga since dipa ko nakakapag check up at wala iniinom na gamot. Sabi ni doc my nakita sya namumuo blood, na ie pa niya ako. Niresetahan nya ako ng gamot, then bedrest lang daw po talaga. Sino po dito na katulad ko din po na dinurugo in 1st trimester? sa ngayon po kasi my blood pa din pero onti onti lang naman, and wala naman po masakit sa katawan ko. Thank you po.

Spotting at 9 weeks
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naexperience ko din mi magspotting 6weeks. Normal naman dw yun kase sa Implantation bleeding, pero bngyan padn ako ng OB ko pampakapit and nagbedrest ako for 2weeks. Nawala naman na spotting and morning sickness nalang ako ngayon. Ngayon 13weeks pregnant nko 😊

Same po tayo mi. Meron po subchorionic hemorrhage nakita sa ultrasound ko 2 weeks ago, 9weeks and 2 days palang ako nun. Naka bedrest po ako ngayon tsaka nagtatake po ako pampakapit. 11 weeks na po ako today.

2y ago

Ganyan din ako sis 6week minimal subchorionic hemorage then pinatake ako duphaston and bedrest 9weeks nagpa TransV ako ulit Nawala na siya. Thank God

ako din mi,tatlong besen nagspoting nun 7weeks palang.pero ngaun ok na mag 18weeks na akong 🤰bed rest lang talaga at my pampakapit na gamot

Ako mhie 8 weeks 2 days ng may spotting... nanghihina Po :( may gamot na bngay pampakapit Meron parin Naman spotting kailan kaya Sia magstop

Medyo kabado din po kasi ako, regarding sa mga nababasa ko sa google na risk of miscarriages lalo na po sa 9weeks.

2y ago

ano pong nararamdaman nyo ngayon 12 weeks pregnant? may nabasa po kasi may nag post worried sya dahil biglang nawala na daw po yung pregnancy symptoms nya.

Ako po mie. 2 days na may spotting bed rest and pampakapit :(

2y ago

Same mi. Nagkakaroon pa din ako ng spotting basta bed rest at tuloy lang pag take ng pampakapit.