Post partum
Hello momshies out there! Share ko lang sa inyo, i don't know if ako lang nakakafeel nito. 4 months old na ngayon ang first baby namin. Si mister ko, malayo ang work so LDR talaga. Mahirap saakin malayo kasi malikot talaga imahinasyon ko. I can't help myself but feel insecure sa mga nakakasalamuha niyang ibang girls. Ewan ko ba, may history na kasi siya nang mga panloloko nung magjowa pa lang kami. Hindi ko talaga maiwasan magduda minsan, kahit wala naman. Pinapafeel naman niya sa akin kung gaano niya ako ka mahal. Nakikita ko naman na nagbago siya. Always ang communication namin, palagi siya nag uupdate lalo na sa baby namin. Nararamdaman ko naman na mahal niya kami. However, may mga times na malungkot nalang ako bigla, nag ooverthink ako. Ngayon para na akong praning, nagreresearch na ako kung ano magandang skin care, paano maibalik ang katawan ko sa dati. Feeling ko kasi ang unattractive ko na, lusyang na, yung ganon. Hays, ang hirap nang ganito. Binoboost naman ng husband ko ang confidence ko, pero yun talaga nafefeel ko. 😔😔Ayaw ko sana malayo si hubby, pero tinitiis ko para sa baby namin. Di ko na alam paano ko tatanggalin yung mga negative na nararamdaman ko. #advicepls #1stimemom