First sharing. #1sttimeMom

Hi sa po sa lahat ng mga bagong momshie dyan na katulad ko. Share lang ako kasi hindi ko alam san ako magshe-share umiiyak na talaga ako ngayon. Wala naman nangyayari kay baby, okay naman sya. Kaya lang ewan ngayon sobrang iyakin ko lalo na malayo ang asawa ko pakiramdam ko parang wala akong kakampi, walang naniniwala sa mga nararamdaman ko pag may gusto akong daingan. Dati naman hindi ganito kalungkot kahit 9 months di ko sya nakakasama. Ngayon kahit makanuod lang ako ng konti nakaka touch umiiyak talaga ako. Ganito ba talaga? O ang oa ko lang? Nakakainis pa mga nakakasama ko pag may nasabi akong hindi maganda pakiramdam ko akala nag iinarte ako kaya ang bilis ko mapikon. Kaya minsan gusto ko mag isa lang o kaya matulog. Kayo kamusta naman pagbubutis nyo po? Sana okay kayong lahat 💕 #1stimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako sobrang emotional ako, hindi ko lang nadiligan yung halaman iniyakan ko na. Nalulungkot ako ma, actually 2nd baby ko na to. Nagka anxiety ako malala, hirap n hirap ako s sitwasyon ko, nagpapanic din ako. Kailangan ko yung kapatid ko para bumalik yung sanity ko. Kailangan ko ng kausap kasi kung si husband lang hindi nya ako naiinitndihan. 7weeks pa lang ako as per tvs, grabe pinagdaanan ko. Ngyn i ask prayers s ibang tao, hindi ko kayang gawin para s sarili ko ngyn ang mag pray. Gusto ko lumipas na to, gusto ko malagpasan ko na to.

Magbasa pa
2y ago

kayanin mo mi para din kay Baby. pag may gusto ka sabihin pwede ka dito magshare I'm sure may sasagot at sasagot sayo. ako din ganyan eh konting taas lang ng boses sakin naiiyak na ako dati di naman. saka buti andyan pa rin asawa mo ako wala nasa barko kaya ang hirap lalo na mag isa lang ako kasama magulang ko. wala naman ako maasahan din sa magulang ko matatanda na sila inaasikaso ko lang rin. KAYA NATIN TO. Tiwala lang. don't worry isasama kita sa prayers. I hope na maging okay kana. Godbless

hello. nasa first trimester din ako ngayon sa first baby ko. and I feel the same way minsan. so nag research ako and normal na magkaroon daw ng mood swings and pagiging emotional during and after pregnancy because of changes sa hormones. kaya kalma lang muna tayo 😄 mahirap mag control pero nakakaya pa 😊 sana ok ka lang.

Magbasa pa