Warning!! Long post

Hello momshies, gusto ko lang sanang e share ang blessed experience ko. Bago ko natagpuan ang lip ko, dumaan muna ako sa ibat-ibang lalake at nagkamali, naranasan ko na rin ang mag habol sa taong hindi ako ang gusto at binigay ang lahat, naranasan ko na rin na matraydor sa matalik kong kaibigan na lalake na naging kaibigan ko for many (6 years i guess) naging sumbongan ko sya peru nung nagtiwala ako sa kanya naging taken for granted lang ako, nagtiwala rin ako sa isang crush peru nagkamali lang ako ulit, at dumaan din ako sa iyang one night stand dahil sa sobrang kabiguan, nagkaroon ako nang matalik na kaibigang babae at sinabi ko lahat nang karanasan ko dahil nagtiwala ako hanggang sa isang araw pinagchichismisan na ko yun pala pinagkalat na nya, pagkatapos kung madaanan lahat nang yun gumuho ang aking mundo halos ayaw ko nang makipag kaibigan sa ibang tao ni ayaw kong makipagkilala pakiramdam ko sasaktan lang ako at tatraydorin kaya ang dating extrovert na ako ay naging introvert. Hanggang sa nakilala ko ang taong bumuo ulit sa pagkatao ko. Nung una ayaw kong magtiwala, ayaw kong umasa dahil ayaw ko nang masaktan masyado na kong naging durog peru pinadama sakin nang taong yun na hindi pa huli ang lahat pwede ko pang ayusin ang sarili ko at magtiwala ulit. Nagtiwala ulit ako sa kanya sinabi ko lahat nang karanasan ko at tinanggap nya ko kahit ako ang kauna unahan nyang naging girl friend hindi sya nandiri sakin at mas niyakap nya buong pagkatao ko. At nagkaroon din ako nang tunay na kaibigan na mapagkakatiwalaan. Dala2x nya swerte sa buhay ko. Hanggang sa nabuntis nya ko at buong puso at pagkatao nya kong pinanindigan. Tinanggap sya nang pamilya ko at tinanggap rin ako nang pamilya nya. Hindi ko akalaing sa lahat nang hirap at sakit na napagdaanan ko may nakalaan palang tao na syang gagamot sa lahat nang sugat na natamo ko. Now meron na kaming 2 months old cute baby girl, at mahal na mahal nya kami pareho and I thank God for giving me so much blessings. Kaya mga momshies kung nasaktan man tayo, naghirap nagdusa trust God dadating rin ang araw na para satin just be strong lahat tayo ay may blessings galing sa panginoon God knows when will be the right time. Thank you for reading God bless.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana mkatagpo din aq ng taong tatanggap sakin/samin ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

4y ago

Sana nga tlga sis ๐Ÿ˜„