Ilang weeks ka nanganak sa first baby mo (for normal delivery)?

Hi momshies, so far, normal naman po lahat 'sakin, may capacity to have normal delivery. Kaso closed cervix pa din ako. Sabi ng OB ko, if by next week, ala pa din, isusuggest na niya magCS. Nakakalungkot lang po talaga kasi tagtag po ako, balanced meal, tamang timbang tiyaka active mag-exercise naman... 🥺 Ilang weeks po kayo nung nanganak sa firstborn niyo? Share niyo naman po experience niyo. Salamat momshies. God bless po.#pleasehelp #firsttimemom #advicepls #firstbaby

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

39 weeks and 4 days po, unang pumutok ang panubigan ko medyo nakaka kaba kasi sabi nung midwife dapat daw nag le labour na ako at nung time pa nun e 3cm pa lang po ako, sinabihan din ako na dapat 24 hours e manganak na ako kasi baka ma dry labour ako at ma cs, pero galing ni baby kasi bago mag 24 hours nanganak na ako at sakto pa yung panubigan ko ☺️ na normal ko po si baby 3.4 kg siya nung nilabas ko dapat din na irefer nga din ako sa hospital kasi masyadong malaki si baby para sa first baby 😅 pero nakayanan naman po inormal ☺️

Magbasa pa