Ilang weeks ka nanganak sa first baby mo (for normal delivery)?
Hi momshies, so far, normal naman po lahat 'sakin, may capacity to have normal delivery. Kaso closed cervix pa din ako. Sabi ng OB ko, if by next week, ala pa din, isusuggest na niya magCS. Nakakalungkot lang po talaga kasi tagtag po ako, balanced meal, tamang timbang tiyaka active mag-exercise naman... 🥺 Ilang weeks po kayo nung nanganak sa firstborn niyo? Share niyo naman po experience niyo. Salamat momshies. God bless po.#pleasehelp #firsttimemom #advicepls #firstbaby

40 Weeks💙 Normal Delivery. Yung Day po na Manganganak na ko, pag Gising ko, Humihilab na Tummy ko pero hindi pa sya Masakit na Masakit then Around 8AM, pumunta pa po kaming Center para mag pa-Record then umuwi kami ng Around 11PM, kumain pa kami sa Tapsilugan & nag Softdrinks pa ko then Around 12PM, pumunta na ko sa OB ko. IE ako, 3CM na pero mas pinili ko pa muna umuwi kasi hindi ko Sure if ilang Days pa, eh sa Hospital ako Manganak hindi ko Tantya baka abutin pa ko ilang Days, eh Mahal Room(Private Hospital) then Around 4PM, nag Milktea pa ko😄 nag Crave ako eh then yun po Around 7PM nag Padala na po ko Hospital kasi Hindi na ko Komportable. 1 Hour inayos mga Documents ko then nung Dinala na ko sa Labor Room, dun po ako nag Active Labor. 1 Hour Labor, Para kang pinapatay na di ka mamataymatay😄then yun po, 30 Minutes umire. Nakaraos na po. Healthy Baby Boy💙 2.8kg po sya☺️ Mag 2 Months na po sya sa 20☺️
Magbasa pa39 weeks and 4 days po, unang pumutok ang panubigan ko medyo nakaka kaba kasi sabi nung midwife dapat daw nag le labour na ako at nung time pa nun e 3cm pa lang po ako, sinabihan din ako na dapat 24 hours e manganak na ako kasi baka ma dry labour ako at ma cs, pero galing ni baby kasi bago mag 24 hours nanganak na ako at sakto pa yung panubigan ko ☺️ na normal ko po si baby 3.4 kg siya nung nilabas ko dapat din na irefer nga din ako sa hospital kasi masyadong malaki si baby para sa first baby 😅 pero nakayanan naman po inormal ☺️
Magbasa pa39 weeks and 4 days mommy, 1 nuchal cord loop si baby, normal delivery, 4 hours labor. 1 week na-stock sa 1cm. Nagtagtag ng squat and lakad. Kain pineapple and inom din ng pineapple juice. 2.6 kls lang si baby kasi hindi talaga namin pinalaki ng OB ko sa tiyan ko mi at may cord loop nga siya, maliit din kasi ako. Sa awa ng Diyos nainormal ko naman po. Mag 4 months na po nyan si baby 😊
Magbasa pathank you po :)
39 weeks ako sa first baby ko..naglaba pa ako that day..tas 2 am humilab na..and lumabas nadin mucus plug...at 6:20 am..baby's out na..hehe..3.2 kg via normal delivery. sana ganun lang din kabilis dito sa 2nd baby ko😅..for me wag mo stressin self mo..basta healthy ang pregnancy mo and active ka naman..mairaraos mo yan..si baby din kasi talaga mag decide pag gusto niya na talaga lumabas.
Magbasa paSaktong 39 weeks mamsh nung August 7. naglabor ako ng 12am ng August 7, then si baby lumabas ng 4:21am. 2.3kls anliit pero nahirapan pa ko kase hindi ako marunong umire.. normal delivery. suggest ni ob ko nun mamsh squat tas hawak sa upuan. wag daw naglalakad lakad kase dun daw mamanasin. squat lang mamsh
Magbasa paBest time to do squat morning po ba or evening?
Sa 1st born ko 37 weeks.. 4cm around 8am then gave birth around 2:30pm, 30mins lang ako sa delivery room and 5hrs sa labor room. Now im on my 2nd child 33 weeks sana ganon rin kabilis
39 weeks ako ng manganak...nagtry ako Miles Circuit Exercise noong 38 weeks...effective sya...hindi ako maselan magbuntis...naraos man ng matuwasay ang normal delivery
ako sis 37Weeks and 1 day sa eldest ko. 9am 4cm na ako, then 2pm admitted sa hoapital then 9am next day nanganak na ako. Sana sa 2nd ko ganun din hahaha
37 sakin, last august 28 2022.. umaga ng august 27, 2cm ako then salpak ng primrose tas august 28, ayun nangitlog na ☺️🥰
Depende nlng cguro sa kalooban ng Dios kung Normal. o cs tlagang kailan lakipan ng panalangin, ♥️





Patiently waiting for my baby's arrival. ❤️