Normal or CS?
Hello, momshies. Ask ko lang po kung ano naging birth plan niyo ngayong pandemic? May fear kasi ako na if biglang nag labor ako and hindi ko natancha ng ayos yung pagpapaswab is either maexpire lang yung result or hindi ako makapagpaswab. Tapos walang tumanggap saken na ospital. Ang dami kasi sa news ngayon na ganun ang nangyayare. I’m on my 37th week na po and 1cm pa lang ako. Ok naman po kay ob kung magpa cs ako as long as within my 38th to 39th month na. Sana po may makabasa. Thanks po.#advicepls #firstbaby #pregnancy #cs #normal #worried #pandemic
ako nanganak Nung July 31,2021 di nmn ako nag swab or antigen!! at na normal ko nmn kahit sinabihan ako na ma cs Kasi Malaki baby para sa akin Kasi maliit lng ako! panganay ko 2400 pangalawa ko now 2800 tpus height ko 4'11 😅 ayos nmn labor ko kahit bigla ako nilagnat Nung Araw na yon tpus habang nilagnat ako nag lalabor na pla ako Kasi Akala ko masamang panaginip lng dhil nga bigla ako nilagnat na parang tratrangkasuhin tpus Nung may lumabas na dugo na parang sipon dipa kami pumunta lying in hintay ko may pumutok may pumutok onte lng kaya pag punta ko lying in 7cm na at di pa nmn naputok LAHAT panubigan ko kaya safe nmn SI baby nasa lying in nga ko tinulugan lng ako Ng midwife at Ng Asawa ko 2:30am andun kami lying in nanganak ako 5:07 am nagising na lng Sila Nung biglang pumutok na panubigan!! salamat nmn at naraos ko at ng normal uli tatagan lng mommy lakad lakad para matadtad or sayaw sayaw ka!! Ikaw lng din makakatulong sa Sarili mo at pray !!
Magbasa paCS mom here. ikatlong CS ko na ito, unfortunately diko masabi ang tamang araw ng panga2nak ko dahil this time twin ang dinadala ko.. kadalasan daw po kasi d umaabot sa 37-38 weeks ang twins. pero kung umabot man ng 37weeks, magpapaschedule na ako nun.. para rin makapagpa early reservation ng room. 35weeks palang aq nagpa antigen na ako, no symptoms naman ako at walang nararamdamang kakaiba.. i just want to make sure na okay ang lahat. para atleast makapag quarantine aq before delivery. d bale na kasing madoble ang pagbabayad sa antigen kesa magulat ako sa mismong araw ng operation ko. bukod sa mas lalaki ang hospital bill, mahhirapan pang maghanap ng hospital na mag admit sa akin. nag self-quarantine na din though negative sa antigen, lalabas lang kapag check-up at nag isteam every night in lalo na kapag galing magpa check-up.. ☺️☺️
Magbasa paganyan din naisip ko malapit na Rin ako manganak di ko malaman Kung normal o CS din ako.kc nga wla ako makasama sa pagpunta Ng ospital for checkup sna pra may record na nkalockdown s amin.buti nlng nung isang buwan nkapagpacheckup ako sa iba ob nga lng at ultrasound.wla parin kmi swab test magasawa..nakakastress nman di pa complete gamit Ng baby ko. dito sa lugar nmin tumama ang bagyo kakailaw lng tpos na 9.9 sa shoppee 🙏sna bago dumating araw Ng panganganak ko mwala n lockdown.asawa ko lng lumalabas gusto ko sumama pra mamili hirap kc di nman niya Alam khit pa bigyan natin Ng listahan..🤦🤷😢malayo family ko tta tto ko mga old nrin Kya bawal tlaga lumabas.
Magbasa paAko naman momsh maaga namili ng gamit kasi feeling ko lagi nagle-labor na ko. Yun pala puro false labor. Hindi ako makapagdecide po ngayon if i-grab ko yung scheduled cs sa 38th week ko or mag wait ako maglabor. Kaya naten to momsh. Sana makaraos na tayong lahat ng safe and covid free.
I'm a FTM and I gave birth in July. Balak ko sana talaga normal delivery pero naging ECS. Sa private hospital ako nanganak and kasama na sa package yung swab test. Kung nag-aalala ka sa swab test may free swab test para sa buntis ang mga health center kaso for 1 person lang. Depende din kasi kung san ka manganganak. Kung public hospital, normal or cs ka di pwede may bantay. Mas mahirap pag cs kasi need mo na agad kumilos at mag asikaso sa baby mo. Kung sa private hospital naman pwede naman bantay depende din siguro sa protocol nila.
Magbasa paHello po, pwede po ang may bantay sa private hospital. Tapos dito po samen is walang libreng swab test. Free lang siya possible cases of covid and sa mga contact tracing. Plan ko din is mag normal pero natatakot ako kasi baka pag biglang time na is walang available na kwarto or hindi nakapagpaswab kasi nagkamali ako sa pakikiramdam kung time na ba magpaswab. 1cm pa lang po ako mommy. 37th week ko na. Hindi ko alam kung nakaka affect yung anxiety ko sa situation naten ngayon kaya ang bagal niya bumuka. Thanks po
Nakakaworry po talaga ngayon panahon ako din manganganak na schedule CS kaya lang d din basta basta maka hanap ang OB ko ng operating room at room Mapa public or private hospital. Kapag kasi nagkataon na punuan daw talaga yung hospital baka sa hallway ako kapag punuan na talaga rooms. Nagkataon kulang din daw ang mga nurses at doctors. Hoping for our safe delivery mga momshies! God bless us always.
Magbasa paSana po makahanap kayo ng room. Ang hirap naman po mag stay sa hallways lalo na may baby. Tapos kakapag alala din na kulang na ang hospital staff. Kanina po kakacheck up ko lang sa OB. Pinag uusapan na may nag resign na naman daw na nurse. Kakalungkot naman po ang nangyayare saten. Sana po makaraos tayo ng safe. God bless us po.
Hi po mamsh meron naman pong free na swab. Like ako po ngayon Lang nagpaswab po kami ng partner ko sa Moa Arena. Maayos at Mabilis po ang proseso dun. Red Cross po ang andun. Di din po ba kayo inadvice ng ob nyo for swab? Kasi mas alam po nila yan May time frame naman sila. Kaya dapat sa free po kayo magpa swab para if ever na di na valid pwede po kayo umulit🙂
Magbasa paHindi po option samen ang pagpunta sa moa para sa libreng swab. Batangas area po kasi ako. Ayoko magrisk ng pagpunta sa manila kasi nakakatakot. Ingat po mga momsh
Isa din po yan sa mga iniisip ko noon, pero nagdecide po ako na magtry ng normal delivery. Buti na lang, same day lumabas result ng swab at after ilang hours, naglabor na ko. Hindi ko din alam paano kung hindi kaagad lumabas yun. Yung room lang po ang tagal bago kami nabigyan. Last June po ito, mas konti ang cases kesa ngayon.
Magbasa paGood to hear po na nakaraos kayo ng safe. Sana kami din ni baby. Yun nga lang po ang difference is mas madaming cases ngayon. Hirap pa din po ako magdecide. Natatakot po ako na wala tumanggap saken na ospital if puro full capacity. Hindi pa naman po ata pwede ngayon ang mga ward so expected na mapupuno talaga mga private rooms. Hayyss. Ingat po tayong lahat.
Ako naman po 36weeks closed cervix naman...kaya every week babalik sa OB. Depende daw sa IE ko kung kelan nila ako iadvice na magpa swabtest. Sa ngayon naman ang worry ko is sana palage negative ang swab result...as much as possible kasi gusto ko normal delivery. Let's always pray na lang po mga momsh 🙏🙏🙏🙏
Magbasa paSana nga po...🙏🙏during check up lang din ako nalabas ng bahay at wfh naman mga kasama ko pero nakakatakot pa rin... ang hirap talaga ngayong panahon ng pandemya...Let's all pray na protektahan tayo ni Lord at ang ating babies. 🙏🙏God bless us all mommies na malapet na manganak🙏
Ako Mommy nakakarami na ring swab… pang 4 ko na yung kahapon. Nag start akong mag paswab nung 36weeks ako since nag cocontract na ko that time. As per my OB kasi once na walang swab automatic sa transition area or covid area ilalagay provided na may bakante. Kaya di bale ng gumastos basta may peace of mind.
Magbasa paOo nga po eh. Good luck and God bless saten mommy. Hope maging ok ang lahat.
ako momsh, dalawa ang check up ko.. hospital n lying in.. buti gnwa ko un, dhil expected due date ko is sep 18.. pero aug 30 pa lang naglabor na ko.. and un wala pa kong swab test- matic di ako pede sa ospital. kaya sa lying in ako nagpunta, antigen lang pinagawa sakin.. thank God normal.delivery ako
Magbasa paBute pa kayo.😭 Sana makaraos din po kami ni baby ng walang problema. Ganyan din experience ko. Ang aga ng labor ko. Puro false labor. Wala po ako check up sa lying inn kasi gusto ni husband ko na sa ospital para complete resources kung ano man po mangyare. Congrats sa inyo mommy. Sana ako din makaya ko and sana walang aberya.🙏🏻