Postpartum Experiences (CS Or Normal)

Hi, momshies! Ask ko lang po if pwede kayong magshare ng mga postpartum experiences niyo like days after niyo maglabor when it comes to going to the bathroom, postpartum care, episiotomy/tahi, hormonal changes etc . Thank you po! Godbless! (First time mom-to-be) ♥

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Emergency CS ako sa baby kong 2.5kg.. 2 tight cord coils and case ko. Kinabukasan after ng operation ko pinatayo agad ako ng OB ko.. Super sakit kasi ramdam mo na parang nalaglag mga bituka mo sa loob.. tapos may kirot na mabigat sa tiyan at puson.. Ang hirap din umupo kasi naiipit yung tahi. Lalo na kapag nawawala na yung effect ng painkiller ko. Sa lahat ng sakit sa hospital para sakin ang pinakamasakit is nung tinanggal na catheter ko. Mas masakit pa yun kesa sa tahi ko eh. Also grabe lungkot at pagaalala ko sa baby ko nun kasi muntik na sya mawala sakin.. 😢 Also seaman partner ko kaya wla sya sa tabi ko..

Magbasa pa
5mo ago

Sa case ko po CS ako last Nov 15 lang at yung catheter na inilagay sa akin before the operation is hindi naman masakit, nung kinuha din hindi rin masakit. Siguro depende yan sa nurse na nagkabit ng catheter. Nung una takot talaga ako kaya sabi ko sa nurse hindi ba masakit yan sabi naman niya hindi medyo hindi lng talaga ako komportable. Nung tinanggal na, hindi naman masakit. Siguro din iba2 kasi tayo ng pain tolerance. 2nd baby ko na to, 1st baby ko emergency CS , Yung pangalawa ko elective CS, kaya iba ang paraan sa paglalagay ng catheter, nung 1st baby ko kasi emergency CS, after sa anesthesia ako nilagyan ng catheter, sa 2nd ko naman after shaving na, so feel na feel ko talaga kung paano nila inilagay yung catheter.