pusod

Momshie ilang days bago natanggal pusod ng baby mo? 12 days old na baby ko pero d pa bumaba pusod nya. Yung kakilala ko kasi 5 days palang daw natanggal na pusod ng baby nya.

pusod
166 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy iba iba po kasi situation ng pusod ng baby. Kapag malaki yung pusod ni baby matagal matanggal, pag manipis o maliit madali lang matanggal. Ang importante linisan mo ng alcohol everytime maghuhugas baby mo. Yung baby ko tsaka lang natanggal 2weeks at ako kasi kasi mahilig ako sa pamahiin, binibigkisan ko tyan niya nuong natanggal kaya ngayon lumubog na pusod niya then nakita ng pedia niya, okay lang daw bigkisan as long as hindi masikip. Lulubog din yan mamsh

Magbasa pa

Okay lang po yan mamsh!! Ganyan din sakin nong isang araw lang natanggal at si baby kaka 1month lang ngayon almost 1month din bago natanggal and good thing tuyong tuyo na yung pusod nya unlike sa maagang natatanggal na pusod namamasa pa 🙏 As long nalilinisan ng maayos naman siguro at walang amoy okay naman yan. Sakin maalaga lang ako sa linis sa pusod ni baby 🤗

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

5 days lang ung sa baby ko. Lagi ko kasi nilalagyan ng alcohol kada papalitan ko siya ng diaper. Alcohol or betadine. As long as wala namang nana, okay lang yan. Lagyan mo lang alcohol saka bigkis sabi sakin ng pedia na in charge sa baby ko nun nasa ospital pa kami.

Ganyan na ganyan din baby ko nong mag to two weeks ,dinala ko sa lying in Kong San ako nanganak ,Ang ginawa nang midwife binuklat dahan dahan Yung pusod at nilinisan sa loob nang bulak na may alcohol,ayun 2 days ko Lang ginawa every 3 hours natanggal na Sya

Baby ko mga 2 weeks bago natanggal. Di naman pabilisan matanggal yan. Importante, matanggal ng hindi naiimpeksyon. Di ka naman irresponsableng mommy kapag di natanggal ng wala pang 1 week yung pusod as long as alam mong nililinis mo.

Sa baby ko 3 days lang natanggal na po... 3 times a day kaylangan linisan ng alcohol na 70% solution. Yun yung sabi sakin ng pedia nya bago kami lumbas sa hospital... Nagulat nga ako,kasi parang ang bilis.. Sa panganay ko kasi umabot ng 1 week..

momshie pag cnulid poh tlga ang gamit matagal bago matuyo ang pusod , pro pag clip ang gamit kadalasan 3 days plng tanggal n., pro mas mainam poh pag cnulud tuyong tuyo., ung baby koh poh natanggal pusod nya ndu masyadong tuyo eiii

12 days n rin sa baby ko sis ndi pa natatanggal okay lang daw un sabi ng pedia nya as long as walang sign of infection such as nagnanana. pero niresetahan parin sya ng bactroban. better consult ur pedia para ndi ka nag aalala

VIP Member

3 days po si baby ko nung natanggal pusod nya. Patakan nyo po ng Ethyl Alcohol 70% 3x every diaper change. Wag po Isopropyl matapang po yun harmful pa sa skin ni baby since manipis pa ang balat nila as per baby pediatrician.

Mamsh ung sa baby ko almost 3 weeks bago natangal,nagpanic din ako non.dinala ko nga agad sa pedia.sabi ng pedia, iba iba daw po tlga per baby. as long as wala daw oozing pus and blood,intay lang daw po.