23 Replies
Mag pray ka lang po, trust your OB. Kapag magpapaCS ka choose mo po yung bibigyan ka ng pampatulog during the operation. Based po sa experience ko suka ako ng suka after operation kasi hilong hilo ako dahil sa gamot, di ako nakatulog agad dahil sa pagsusuka ko. samantalang yung nakilala ko sa hospital na mas bata pa sa akin pinili daw niyang patulugin siya during operation kaya di siya nagsuka. Sa unang day masakit yung sa sugat na dimo maigalaw ng maayos buong katawan mo and it lasted for two days po sa akin, masakit parin siya sa ika 3 days pero pinilit ko na pong gumalaw galaw at maglakad lakad kahit may sakit pa akong nararamdaman. make it sure may kasama ka po lagi kasi kahit babangon ka dika makakabangon ng sarili mo. ako sa ika-5 days ko di na ako nagpapatulong bumangon, kaya ko na. sa sobrang excited ko kasing makarga ko agad si baby kaya nagpursige akong dapat makaya ko na at makarecover na ako sa sakit at makagalaw na ako ng maayos. Nasa mindset po natin na kahit masakit wag mong isipin na dimo kakayanin, lilipas din yan at magiging normal ulit ang lahat. Basta pray lang kay God makakaya mo yan. God bless po at wag papastress kasi masama yan nakakaaffectbdin kay baby, dapat relax ka lang before and during the operation😊
i know the "feels" while waiting for your scheduled op. Yung anxiety level, kaba at excitement, ay bongga! Since I'm working at a hospital, i have background on the procedure and that made me prepared mentally. Mejo masakit lang ung paglalagay ng anesthesia sa may spine kasi parang naka2 na tusok si doc, siguro dahil sa scoliosis ko, im not sure... But nonetheless, the operation is great, it started at 11:15 and nag baby out ng 11:28. Bakit ko alam? Kasi gising ako. Hahaha you cannot feel the pain of the scalpel thru ur skin but i felt the pressure/weight nung mga instrument and kamay ng mga operating staff (or maybe my mind's playing with me bec i can see them while i was being operated on). Fast forward, after my catheter was removed, i tried sitting standing and walking to the cr agad ng slowly and tried to pee. Masakit umihi, sobra. Akala ko bubukas tahi ko 😅 the next day i went down to the first floor thru the stairs from my room at the second floor. It's just the mindset, i guess. You just have to be brave. Pray lang mamsh. If you're too afraid, think of the little lovely being inside your womb, surely you'll be fired up. God bless on your upcoming op!
My experience was emergency cesarean. Nag labor ako for 2 days for normal delivery pero kahit na anong iri ko ayaw lumabas ni baby one factor is cord coil sya. So I decided na magpa cs na kasi sa bawat contractions and push ko bumababa ang heartbeat ng baby so risky na magnormal delivery. Ayaw kitang takutin pero gising ako habang inooperahan nila ako. Ramdam ko ung procedures pero hindi masakit since naka anesthesia, nagstart lng sumakit nung nag wwwear off na ung anesthesia after ng operation ko at nung nasa recovery room na ko hanggang sa room ko. It took me 2 days until nabear ko na ung sakit na tumayo ako at makaupo ng medyo mabilisan kasi mapapamura ka talaga sa sakit hindi ka pa makaka kilos ng basta basta. It was a little hard to breastfeed at that time since limited movements lang kaya kong gawin. But now it's been 5 months and maayos naman na. Nakakakilos akong maayos, pero wag mag risk na magbuhat ngvmabibigat na bagay, tumakbo or mag work out ng sobra. Since it takes 6mos para mag fully heal ang incision. Good luck mamsh! Kaya mo yan! 😊🤗
Ahh thanks po.. 😘😘😘
Wag kang kabahan. Ako nga po nun nagsisi bakit pinatagal ko pa paglalabor ko kasi may choice naman ako mag cs na, nagtry pa ko naging normal unabot 7hrs labor ko nasaktan lang ako ng bongga. Mas safe po yan kesa sa normal delivery. Masakit sa unang week pero malalagpasan mo rin yan. Isure mo lang na may aalalay sayo 24/7 for the first week kasi masakit na masakit talaga. Pero yung opera mismo, di mo naman mararamdaman eh. Mararamdaman mo lang habang operation pag medyo gising kanpa, umuuga higaan ko sa paghiwa nila ng balat pero wala takagang pain. Pero after opera pag nagising ka manginginig ka. Sobrang lamig kasi sa operating room then masusuka suka ka dahil din sa gamot. Tsaka may pain reliever naman ibbgay sayo at antibiotic. Sundin mo lang lahat ng payo ng ob mo para sa post operation. Wag ka makikinig sa payo ng iba, kay ob lang
Emergency cs po ako momsh..due to preclamsia..ambilis ng pangyayari..38 weeks palang ako nun, nagpa check-up lang kmi ni hubby..d na raw maganda yung hb ni baby..at 160/100 na yung bp ko, wala kming dalang gamit, inadmit na ako kaagad, after 2 hours nsa operation table na ako..puro lalaki yung doctor...inject muna sa likod after few mins namanhid na ung kalahati ng katawan ko...d naman masakit pro mararamdaman mo talaga yung prang may hinihila cla tyan mo, after 10 mins babies out na..saka ako naka2log..saka mo nlng mararamdaman yung sakit kapag humupa na yung epekto ng anesthesia..
Na ecs ako nung mismong valentines Feb 14 dapat 4am pa , dame nmen ics ako unang nka line up gulat ako 2am pa lng ihahatid na ko sa operating room . Simula hanggang sa marinig ko yung iyak ng baby ko gceng ako . after ko marinig tsaka lng ako natulog . pinanuod ko kung pano ko hiwaan . After ng oras mag cchill yung katawan mo parang nilalamig .. pero epekto tlga ng anestisya yun . wala kang marramdaman sa whole operation mo , pero lahat ng sakit marramdaman mo pag wala ng anestisya yung katawan mo .
Hi momsh, ako na-CS twice na. 😅 Yung una was emergency CS but the second one was scheduled CS. No need to be scared, momsh. First of all mas predictable and alam mo exactly kung ano mangyayari unlike kapag normal delivery madaming uncertainties. Just focus on the fact na ma memeet mo na baby mo. 🥰 It was a good experience for me, kas mas naging mentally prepared ako for everything. 😀
Emergency cs ako nun check up ko lang that day na yun tas sabe kailangan kona iadmit kasi unti nalang yung tubig sa panubigan ko 39weeks and 6days ako nun. Nung una nakakaba tulog kasi ako nun ang lakas ng tama ng inject sa akin kaya diko rin naramdaman ang inject sa likod ko nagising nalang ako nun na kailangan ng magbreastfeed ng baby ko. Dasal ka lang kay god goodluck momsh
Ako naman nung mismong araw ng CS ko at yung waiting time, dun ako kinabahan. Ang ginawa ko lang, kumakanta lang ako ng mahina ng "Jesus loves me, this I know, for the bible tells me so." Pampakalma sa sarili ko at para na rin kay baby. The next thing i know, pinipicturan na ko kasama ang asawa at baby ko. Relax ka lang momsh.
NSD dapat ako. Nglabor ng 12 hrs. Pero ending CS. 🤣 D ko n matake kase feeling ko mgcocollapse nko s sakit ng labor. 🤣 Anyway, pray ka lang mamsh. Pag gising mo, dadalin n sayo baby mo. Msakit lang tlga a day after. Pag walA na ung anesthesia.😅 Goodluck mamsh! Godbless to the both of you. 😊😊😊
Hehe oo update kita salamat.. 😅😘
Charmaine Savandal