Magkano ang hospital bill nyo?

Hi momsh, survey lang. Magkano po inabot ang hospital bill nyo during delivery sa gantong panahon? July 2020 po EDD ko sa 2nd child ko, 10yo na po yung panganay. Nung January sabi ng OB ko (private) prepare around 30k-35k minus pa ang Philhealth. Sa mga nababasa ko umaabot na sa 80k ang normal delivery. Thorn ako between maternity clinic & private hospital. ? Sana may sumagot.. ?

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Dpende po kc s hospital package un tsaka s rate ni OB may breakdown naman po s bills un. Sami s 1st baby sabi ng OB namin handa lng ng 50-60k jusmiyo umabot ng 100k wala pang philhealth bills namin ng nkita namin breakdown nakakalula kaya ndi n kmi umulit dun. S 2nd baby naman namin 35k less philhealth na.

Magbasa pa

Kung un ung sinabi ni OB mo, mag aadditional ka lang po cguro ng kaunti since babayaran mo ung mga PPE na gagamitin nung mga magpapa anak po sayo. Then alam mo isa swab ka po ata, at si baby? Kase ung kapitbahay namin swinab test sila mag ina.. normal delivery. Sa commonwealth hosp namam un.

5y ago

ayun nga po..ang swab test daw po more or less 9k. 🤦

Quote sakin ng OB ko, 60-80k for NSD. Better paquote ka muna sa OB mo para alam mo magkano idadagdag mo. If keri ng budget, push mo na po :) Akin kasi personally di kaya ng budget ko kasi 50k lang halos nailaan ko for that tapos nagkapandemic pa and all. :)

Ako po inabot 90k eCS ako... Mabait OB ko ndi ako nilgay sa package nya at ung mga gmit sa OR personal ng OB ko... Npmhal lng sa mga supplies n ginamit kc April 25 naadmit nko April 26 ako nangnak April 28 ako nadischarge.

4y ago

Cavite po.. Binakayan Hospital and Medical Center

Private hosp via ECS last May 8. 75k less philhealth dlawa na kmi ni baby dto inclusions 2-3days stay private room , Hearing test and Newborn screening @ VT maternity hosp marikina 🤗 No ppes charge.

Cs sa fairview gen hosp, 122k bill ko pero nkaltas na philhealth 84k malinis nabayaran.Pero okay lng importante parehas kami safe ni baby.

25k Via CS delivery. Public Hospital Sis Pero sa panahon ngayon malaki talaga ang babayaran specially sa mga private maski PPE babayaran.

5y ago

Parang wala kasing matinong public hospital malapit dito samin 😥Halos lahat ng kilala ko may bad experience dito.

VIP Member

Ako inabot ng 80k. NSD. malaki din kse nadagdag dhl sa mga PPE and n95 na gagamitin ng lhat ng lalapit sayo. Grabe nga.

VIP Member

maternity clinic ako momsh nitong May13 lang private room..3nights and 2days kami nag stay di pa inabot 10K kaltas na philhealth..

4y ago

normal delivery po kasi di sila nag dedeliver ng cs kailangan hospital talaga..maganda dun sa pinag anakan ko kasi may ward sila na 4bed lang sa isang kwarto then malawak yung kwarto kaya di siksikan..

125k lahat na (baby and me) Assisted vaginal delivery by vacuum, epidural anesthesia. Private hospital po.