ACETYCLYSTEINE (FLUIMUCIL)

Hi Momsh sino na po nakaexperience dito na resetahan ng OBgyne nila po ng Fluimucil para sa ubo? Inuubo po kasi ako, Is it safe for the baby? Worry lang po ako, anyway im 21weeks pregy. Sobrang salamat po sa sasagot. πŸ™πŸ™πŸ™

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako nung may ubo ako ng mga 1month, pinahanapan agad ako ng obgyne ko ng pulmonologist para makita kung kaya ba ng budesonide or mag anti biotic nba ako..awa ni lord after 2 weeks ng nebulizing ng budesonide at intake prednisone. umokay nako bago ako manganak. kya hanap ka bhi ng pulmonologist kung sa tingin mo malala ubo mo para macheck.

Magbasa pa
2y ago

syempre may endorsement letter ng obgyne sa pulmonologist regarding about your pregnancy.. ❀️❀️❀️and okay nman at safe ang mga meds na nireseta sakenπŸ‘ŒπŸ»πŸ™

same case tayo mi nung nasa ganyang week palang din ako inubo ako as in ang kati ng lalamunan ko niresitahan din ako ng fluimucil pero di ako bumili nagkalamansi juice ako na maligamgam na may kunting luya every morning at gabi after 3-5 days nwala na ubo ko sipon thank God di ako nilagnat

nagpa OB din ako nirisitahan ako ng antibiotics for 1 week lang para sa ubo ko may infection na daw kasi ubo ko kasi green ang kulay ng plima ko sabi nya wag daw ako mag alala dahil safe daw ang bab ko sa tiyan. dikopa nauubos nawala na ubo ko thanks god

d naman po mag rereseta ung ob ng bawal sa nyo ako d nag gamot one evening habang natutulog pag ubo ko pumutok ng maaga ung panubigan ko i dont know kung sumakto lang or baka natrigger din buti na lang kakasampa lang ni baby ng 37 weeks nun kaya term n sya

Hello Momsh! Ininom mo po ba yung Fluimucil na nireseta sayo nung nagbuntis ka? Same ksi tayo 21 weeks din ako ngayon and yan din binigay sakin. Medyo kinakbahan din ako ksi sa google and sa list dito sa app parang di daw safe sa buntis yung gamot.

Ako po nagkalagnat at inubo ng malala to the point na pinlema pa ko pero paracetamol lang po binigay saken ni OB. Buti nalang nawala na ubo ko pero almost 2weeks din po yun. More water lang po momsh at make sure di pinagpapawisan likod mo.

ako kasi sa 1st baby ko inubo din ako and inendorse din ako sa pulmonogist, may mga binigay saking antibiotic. ok naman baby ko. magtiwala k lng sa ob mo d k nmn ipapahamak nun for sure

Pag niresita po sa inyo safe naman po. Ako noon I was 12weeks pregnant pabalik balik ubo ko niresitahan ako ni OB ng fluimucil okay naman si baby 2months old na sya ngayon.

ako po. 2months preggy nun 3x a day 1week ang sabi ni OB pero ininom ko lng 3days tinigil ko na medyo ngbago ubo peo d p din nawala. nag calamansi juice n lang ako

mas maganda po if more water, lemon water or kalamansi juice na lang. any medicine po not sure natin sa side effect kay baby if kaya nyo po tiisin for baby :)

Related Articles