breastmilk
Momsh .. Pa help po bigla po kase humina breastmilk ko kung dati dami tumutulo ngayon wala na kahit mag pump ako meron lumalabas kaso konting konti nalang as in wala na sa 1oz. Ano po pwede inumin para lumakas ulit .. Twins po kase baby ko gusto ko parin sila padedehin sakin .. Mix feeding po sila .. Na stress ako 2months palang po sila
Hi mommy, congratulations po on your twins I’m sure they’re super precious babies. 🙂 Una po sa lahat dapat po mag-relax muna kayo dahil ang stress ay unang unang nakaka-bawas ng milk production. 😊 Kung gusto niyo po i-push ang exclusive breastfeeding, unang una po kailangan tanggalin ang formula milk. Ang breastmilk po kasi works on a supply and demand basis. So, kung ang babies ay busog na (dahil sa formula) siyempre ‘di na mag-bbreastfeed sa’yo. Which sends a signal sa brain mo na ah okay walang demand so ‘di kailangan ng supply. Direct latch po kayo, tandem feeding as much as you can. 😀 You can use a pump para mas ma-stimulate yung breasts mo and trick your mind into thinking na ay malakas ang demand ngayon for milk so kailangan ko gumawa ng mas madaming milk. 😊 Pinaka-importante mommy wag pababayaan sarili kumain ng maayos at masustansya at uminom ng madaming tubig. 🙂 Kaya mo yan mommy! Goodluck on your breastfeeding journey. 😀
Magbasa pa
Fun-loving mama of two half Indian cherubs. ✨