Nakaka hina po ba ng gatas ang pag bbra?
Hello momsh! Napansin ko kasi noong una hnd ako nag bbra nakaka 2bottles ako sa milk ko minsan 2 bottles at kalahati. Simula nag bbra ako parang hindi na ko maka 2 bottles. Nag bbra po kase ko at nag lalagay ng pang tapal kse sobrang lakas po talaga as in mayat maya basa ang damit ko kahit kaliligo ko lng nilalagkitan agad katawan ko. Syempre ako gusto ko malinis ako pag hahawakan si baby. Ayun nga po, nakaka puno pa naman ako ng isang bote kaya lng parang medyo humina kahit malakas ako uminom ng milo. Sa tingin ko sa pag bbra at lagi ko tinatapalan dede ko :( Ok lng po ba 'to or baka mawalan ako ng gatas? Takot kase ko baka mawalan ako ng gatas. Pero sure naman ako na kada gutom si baby meron at meron madedede sakin at sure naman akong isang bote. Takot lng tlga ko na baka mawala na..