Stay at home mom

Momsh, naguguilty ako na hindi ko natatapos mga gawaing bahay ko araw-araw. I just decided to leave my work Last month para maalagaan ko mga anak ko. I'm a mother of 2, isang 5 years old isang 6 months old. Every night napupuyat ako sa 6 months ko minsan umaabot sya ng 2am ayaw nya matulog gusto nya naglalaro lang, di ko naman matulugan kase baka mahulog sa kama. Minsan naman di mo malaman kung bakit umiiyak kahit meme kana ng meme or naubos na mga pwede mong ikanta sa kanya wala talaga. Parang di lang talaga nya makuha yung tulog nya kaya ang nangyayare late nako magising like 8 or 9am madalas mauuna pa magising asawa ko at di ko na sya napaghahanda ng food nya na minsan kinakasakit nya ng loob kase di sya nakakakain ? pag gising ko naman magliligpit nako pero kapag umiyak na ayaw ko ititigil ko na lalo na breastfeeding ako, kaya madalas nakaw oras lang ang paglilinis ko ng bahay, plato, banyo more on sa mga bata, napapaliguan ko sila at napapakain. buti na nga lang e medyo nauutusan ko na ang panganay ko. Di ko alam kung napaka incompetent ko ??

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy same tayo hindi ko din matapos gawain ko sa bahay kasi si lo laging na dede kahit 2 y/o na every minute dede pa rin