Hi all momsh here. I hope you can help me or at least ease my over thinking about my 2 years old son. I decided na magtanong rin po muna rito before po I seek for professional help.
Ang anak ko po ay 2 years old na at hindi pa rin po naglalakad kahit nakakatayo naman na po siya at nakakaya na rin mag-balance, minsan po sumasayaw pa. Ang tingin ko po, gawa ng maliit lang ang space sa loob ng bahay namin. Pero kapag nasa labas na po particular sa kalsada, hindi na po siya tumatayo, madalas na magpakarga. At his age, hindi pa rin po siya nakakapag-pronounce ng words, tamang "mama, papa, dada, mamam, yayaya" pa lang po ang kaya niyang sabihin. I think, responsive naman po siya sa ibang bagay.
Ngayon po ang concern ko baka may autism ang baby ko o sadyang delay lang po ang development niya. Baka po may same case po ako rito before, kindly share your experience po.
Thank you so much in advance mga momsh.
#1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby
Anonymous