Labor and delivery story
Moms! Share niyo naman ang labor and delivery stories niyo! :)

FTM here! 37 weeks and 5 days, 10:00am, follow up lang sana sa OB, no pain, 4cm na pala ako kaya pinapunta na nya ko sa hospi. 5:00pm, still no pain, nasa hospi na, still 4cm kaya di pa na confine, pero pinag stay na sa room, every hour minomonitor. 7:00am the next day, still no pain, 5cm na, tsaka lang na confine. 8:00am, 5cm still no pain, dinala na sa labor room, sinaksakan na ng pampahilab. 12:00pm, 6cm na, medyo may pain, pero slight lang talaga, pinaglunch pa ako. 3:00pm, masakit na sya, pero 6cm padin, sobrang dami ko na nilalabas na dugo kaya nag decide na si OB na Emergency CS ako 🤣 kasi di daw nag oopen cervix 3:58pm, baby out ❤️ Kala ko normal, antagal ko pang naghintay, ma ccs din pala 🤣
Magbasa pa

