Delayed speech?

Hello moms. I have a 1yr and 5month old baby boy. Curious lang po if considered na ba as delayed speech ang baby ko? At this age, ang kaya nya pa lang sabihin is mama, papa, baba, hi and bye. Madaldal po sya, always po sya nag babble and very expressive but yun nga - babble pa rin sya and not clear words. When po ba nakapag salita ng clear ang babies ninyo? #concern #firsttimemom #newmom #toddler #babyboy

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

at 11mos nakakapag salita na ng pa isa isa ang LO ko.. i think di naman delayed speech ang baby mo since nakakapag salita naman siya.. help mo nalang siya mas lumawak pa alam niya big help din ang animal sounds at kausap kausapin mo.. at zero gadgets din muna.. more hardbooks.. ganyan ginawa ko sa baby ko since birth never siya nakapanuod ng TV at cellphone.. skl kung ano naitulong sa baby ko na 0gadgets.. 15mos alam na tawagin kaming lahat, animal sounds.. 19mos alam na alphabets and Colors, parts of the body.. nung mag 22mos old saka ko pinakita si Ms.Rachel pero 3mins lang/day.. 23mos nakaplayschool for socialization can count 1-10 at nakakabuo na ng 2-3words.. ngayon 25mos mas lalo na madaldal babyboy ko less 15mins screentime/day.. big help talaga na mag Iwas sa gadgets at dapat tayo mismo madaldal mi.. hayaan mo lang kung di pa gaano clear magsalita si baby mo basta wag mo lang din babytalk🙂

Magbasa pa

ayyy naku mhie too early pa para maging delayed speech yan. syaka may words namang lumalabas sa bibig niya. ang delayed speech is yung wala talagang words na nasasabi. syaka iba2x development ng bata di porket nakapagsalita na yung iba dapat yung anak mo din. for now kung gusto mo syang makapagsalita agad try mo kausapin ng kausapin wag niyo panoorin ng cellphone. syaka kwento ko lang hubby ko 6 years old bago nakapag salita ng sentence pero ang talino nya at madaldal na ngayon😆

Magbasa pa

Di naman po delayed, kasi nkakapagsalita naman po ng ilang mga word. Pero siguro dumadami lang na alam na word kapag may kasamang madaldal hehe, kung ano lang po kasi ang madalas nyang marinig nya ayun lang din siguro ang maaalala nya. Tsaka wag din po ibaby talk, kung ano pakikipag usap natin sa matanda, ganun din po sa kanya.

Magbasa pa

Gnyan din baby ko e. Siguro ilessen mo siya sa gadgets kung pinapanood mo siya and try mo ipalaro sa mga bata kase now yung baby ko 3yrs old nung hinayaan ko makipaglaro sa labas dami word na natutunan. Marunong na sumagot na sobrahan ata ako sa pagpapalabas 🤦🏻‍♀️🤣🤣

Hi mi, what we did is kinakausap si baby lagi, describe lahat ng makikita niya, mag vlog ka kunwari kahit wala camera, igala sa labas point kahit saan at describe mo.

huwag niyo po ipawatch ang Cocomelon kasi di nakakatulong for baby sa pagsasalita much better Alphablocks at Number blocks

VIP Member

as per our pedia, basta maka 50words pataas before 24mos old ni problem sa speech

3 yrs old