Body Odor ?
Hi moms 7months pregnant ako, ako lang ba nakaranas na parang ang asim ko kahit araw araw ako naliligo? Lalo na ung kilikili ko ang asim kahit naliligo at deodorant ako plus maitim tlaga sya, tas ung vagina ko may amoy din feeling ko dahil sa frequent urination. May nabasa akong article about dun, dahil daw sa hormones ng buntis kaya mas madali magpawis at mangamoy. Nakakahiya sa asawa ko kasi lagi nya inaamoy tas tatawa, ung ibang buntis nman di ganito sguro. Hanap lang ako kakampi ? promise mabango tlaga ako nung di p ko nabuntis kahit di maligo huhu
ligo lang mommy ng 2-3 x a day and make sure mabanlawan ng maayos yung body especially yung smelly part and about sa vagina avoid using feminine wash and panty liners possible po mag cause ng infection, just wash it with water and use tissue ( don't use wet wipes-possible mag cause ng infection and irritation) every after mag urinate para di mag stock yung urine sa underwear to avoid yung bad smell, ganyan lang ginagawa ko momsh kaya never ako nagka infection and keri naman smell ko😊
Magbasa paAng asim k9 din momsh. Tinatawanan din ako ng lip ko. 😂 pero sabay kami naliligo. Tsaka about sa vagina. Kung maari po gamit ka feminine wash and then kapag ramdam mo na di ka komportable sa panty mo palit ka panty. Mostly din po. 2 -3 times ako maligo sa maghapon sa sobrang init ng panahon. Malaki ang chance na magkaroon tayo ng bacterial infection sa vagina natin dahil sa hormones at init ng panahon (sabi ni ob)
Magbasa paMe too po, naiinis ako kasi amoy maasim ako, specially yung kilikili ko, na dati before pregy walang ka amoy- amoy kahit pa pagpawisan, ngayon ibang iba.lagi kung sinasabi sa husband ko na pinuproblema ko yung amoy, pero sya lagi nagsasabi saken na normal daw yun talaga pag buntis , ayun thankful lang ako kasi kahit na minsan inaamoy nya padn di sya nag rereklamo HAHA 😂
Magbasa paAko din maasim ang kilikili at mejo nangingitim na. Sobrang pawisin ko din kasi nakakailang palit nga ako ng damit sa buong maghapon eeh. 😩 Sa pempem naman basta everytime na iihu ka magwash ka lang sis. Tas punasan mo. Wag mong hahayaan na basa. Tas palit ka lang ng palit ng undies. Para di siya mabaho. 😊
Magbasa paMainit kasi lagi po ang pakiramdam natin mga buntis at sobrang pawisin. Ako po ang ginagamit ko Deonat na tawas stick. Kahit pawisan ako ng sobra di umaasim kili kili ko😊😊 actually 1yr ko na syang gamit hanggang ngayon di pa ubos tipid gamitin☺️☺️
Ako momsh ginamit ko yung Milcu powder...effective xa saken kahit pawis na pawis ako wala xa amoy...tipid pa gamitin at hindi nangitim ng husto ung kili kili ko...☺️
Try nio po tawas ang gamitin. Ako din nangangasim minsan eh momsh. Tapos morning hapon gabi ang paglinis ng katawan at every ihi palit panty
Nakukuha naman yung sakin sa deo. Ang nangangasim talaga saken is yung cleavage at ilalim ng boobs ko. Hahahaha
24weeks na ako grabe nakakagising yung pagka asim niya hahahahahaha. Pero nakukuha sa deodorant yung akin kaya nagiging okay
Waaah.bakit nga ganun ano? Ako nkakailang palit ako ng damit sa sobrang hnd ko gusto ung amoy ng pawis ko. 😭😭😭