44 Replies
Saw this just now: CTTO Hi sa mga new mommy na katulad ko! 👋 Share ko lang sainyo mga recipe na pineprepare ko for baby Pio. May ilang tips and advise din ako na isheshare. Sana makatulong sainyo or makadagdag sa kaalaman nyo 🙂 Una, kailangan alam mo kung handa na ba sa solid food si baby. Eto yung mga signs na dapat mong makita saknya: ✅Kaya ng umupo ni baby na may alalay ✅Kayang kaya nya ng buhatin yung ulo nya ✅Binubuka nya yung bibig nya o kaya lumalapit sya kapag sinusubuan mo sya ✅Nginunguya nya yung pagkain nya imbles na niluluwa nya. ✅Curious na sya sa mga kinakain mo or tumitingin sya na parang sinasabi nya na "Mommy patikim nyan" ✅Gutom pa rin sya kahit kakatapos nya lang dumedede kasi hindi na sapat yung gatas para sakanya. Kapag nakita mo na yung mga signs na yan mommy GO ka na, pero kung kahit isa dyan ay hindi nya pa ginagawa, wait ka muna ng tamang panahon mommy. Next, CLEANLINESS is the key 🔑 - Hugas muna ng kamay mommy bago simulan ang pag peprepare. - Siguraduhin na malinis lahat ng sandata mo. - Ihiwalay mo yung mga gamit na ginagamit mo sa raw meat, poultry or seafood - Kapag tapos ka na mag prepare, i refrigerate mo agad yung food ni baby at hugasan mo lahat ng ginamit mong sandata gamit ang mainit na tubig na may sabon. - Kapag natapos ng kumain si baby at meron syang leftovers, wag kang manghinayang mommy. Mas mabuting i-let go mo na kasi yung ginamit nyang spoon nalagyan na yun ng germs. Then take note mommy, yung mga babies under a year old:👶🏻 ❌ Hindi nilalagyan ng asin yung pagkain nya dahil pwede itong mag strain ng immature kidneys at mag cause ng dehydration. ✅Pwede kang mag dagdag ng lasa gamit ang herbs o kaya ng spices. ❌Wag mo din lalagyan ng sugar yung food nya mommy dahil pwede naman ito mag cause ng tooth decay lalo na kapag nag sisimula na syang mag ipin. ❌ Kahit anong condiments momsh hindi pa pwede sa mga baby na wala pang isang taon. ✅Mas okay din na mag steam ka nalang mommy kesa mag boil kasi mas pinepreserve ng steaming yung fresh taste and vitamins ng prutas at gulay. ⚠️Pag nag sstart palang si baby kumain momsh, once a day mo muna sya pakainin ng solid food para di mabigla. Then, twice a day hanggang sa maging breakfast, lunch and dinner na. ⚠️And last but not the least, since hindi agad nakikita sa baby kung may reaction sya sa food or wala, mas mabuti kung mag hihintay ka ng 3-5 days bago sya patikimin ulet ng bagong pagkain. Tips how to store baby food:🍱 - Pwede kang gumamit ng ice cube tray, containers or pouch. Depended sayo momsh, basta ang mahalaga nakatakip ito ng maayos. - Pag nilagay mo sa freezer yung food ni baby nagtatagal yun ng 3 months up to 6 months. - Pag sa baba naman ng freezer, usually mga 3 days lang momsh. - Don't worry momsh kasi freezing food doesn't kill nutrients. Nangyayari lang to kapag sobrang tagal nya na dahil parang na eexpire na rin sya. Tips how to reheat baby food:🥘 - May iba ibang method para dito momsh, make sure mo lang na naiinit sya ng pantay at maayos. - Una, pwede mo syang i warm bath lang or i soak sa hot water. - O kaya naman iinit lang to sa pan or i-steam pwede din yan momsh. - Pwede ka ding gumamit ng microwave pero dapat haluin mo ng mabuti para maiwasan yung hot spot. Usually kasi kapag oven ang gamit yung ibabaw lang yung umiinit kaya dapat haluin mo muna at i try mo muna kung gano sya kainit bago mo ibigay kay baby. Take note momsh, doble ang pakiramdam ni baby pag dating sa init ng pagkain kesa satin. Tips kung pano pakainin si Baby:🥣 - Iupo sya sa highchair na may unan sa likod para diretso yung upo nya. - Iharap mo sya sayo mommy. - Hintayin mong ngumanga sya, at kung hindi naman, idampi mo lang sa labi nya yung kutsara. Kapag natikman nya na yung pinrepare mong food hintayin mo kung magugustuhan nya o hindi. Kung hindi, okay lang yan mommy, ganyan talaga sa umpisa, try mo nlng ulet next time malay mo maging favorite nya pa yan diba momsh? Tandaan ang pag pilit kay baby na kumain ay pwedeng mag lead sa food trauma na ayaw naten mangyari mga momsh kaya tyaga at pasensya lang. - Hayaan mo si baby kung gano nya katagal o kabilis ngunguyain yung pagkain nya. - Tumigil ka na mommy kapag nag pakita na sya ng mga gantong signs. Umaayaw na sya, humihiga na sya, hindi nya na binubuka yung bibig nya at nilalaro nya na yung pagkain nya. 😱 Lahat tayong mga bagong mommies o kahit yung mga hindi bagong mommies. Isa lang ang kinatatakutan naten kapag papakainin na naten sila ng solid foods. Ang ma choke o mabilaukan si baby. Para maiwasan ito mommies, umupo ka lang sa tabi ng baby mo habang kumkain sya, focus mommy para mabilis mong malalaman kung nabibilaukan na ba sya. Kapag ready na sya sa finger foods, liitan mo muna mommy, mga 1/4 inch lang ganern! Tapos konti konti lang yung pag lalagay sa kainan nya para di nya isubo lahat ng pagkain na nasa kainan nya. At syempre, turuan mo syang nguyain ng mabuti ang pagkain bago nya lunukin. That's all mga mommies, sana makatulong sainyo tong post ko. Share nyo na din sa mga kilala nyong mommies 🤗 Good luck and Happy cooking momshie! 🥘🍱🥣🍽
6 months po pero wag muna cerelac. Better fresh fruits and veggies ang first food ni baby para hindi masanay sa food na may added sugar. Kaya 6 months dahil sa tinatawag na virgin gut. Kahit nakakaupo na si babyag-isa, yung digestive system nya baka mahirapan pa mag process ng solids if introduced at an earlier age. Your baby your rules. Okay lang hindi sumunod sa matanda minsan lalo na anak mo yan. Mahirap magdala ng bata sa ospita sa panahon ng covid.
plano ko po tlga , nutrious food ipakain ky LO ko , at hndi gnun ka aga pakainin , thankyou sa sagot mommy
6 months po ang recommended age para magsolids si baby. Too early po ang 3months. Hindi pa po well developed ang digestive system niya by that time. Either breastmilk/FM lang po on the first 6months ni baby. Kahit water po bawal. Also, there are signs of readiness to follow. Kindly refer po sa photo. 😉
Most of our Pedia recomends to feed our baby on their 6th month. 4or 5 months pwede na patikim tikim papalasahan lang but not really to feed them solid foods. Giving them solid foods early might lead to something we don't like to happen, kung labag po sa loob natin, it is okay to refuse.we're the mommy.
Exactly 4mos nung inadvise ako ng Pedia ni baby, I was refused at first kasi alam ko 6mos eh, pero He insisted so ginawa ko and 9mos na ngayon si Baby, everything's well naman so far. Naging advance pa nga si Baby sa mga milestones nia eh. 🙂
6months momshie
Sabi ng Pediatrician 6 months daw po pwede kumain ang baby and pure milk daw po till 6 months. Kahit water daw po bawal daw painumin kapag di pa umabot ng 6 months si baby
Ipakita mo ito sa biyenan mo. PEDIATRICIAN yung sumagot na 6 months dapat ang complimentary feeding. At wag magbigay ng cerelac kasi considered junk food and unhealthy.
4mos and up as long na ngumanganga si baby mo pag malapit na yung food sa mouth nya pag ayaw maniwala ng biyenan mo sa kanya mo pakain yung cerelac. Hehe. Jk lang. ✌️
oo nga , daig pa sya ang ina ,
Cerelac may age naman siya ipabas mo sis at pakisabi yung tyan ng apo niya hindi tyan ng isang taong gulang mas xcited pa sa bata kumain e.
Oo.. Pwede na yan patikim tikim 3months ko pinakain si LO ko. .para daw hnsi pihikan sa pagkain at hindi sakitin ang tyan.. Pakonti konti lang
hndi ba masyado maaga ?
Emmalou Reyes Ramos