STRESSSS MUCH HUHU

Mommys may experience din ba kayo na di talaga natutulog si baby? Turning 2 months na sya sa October 3. Grabe magdamag naghapon walang tulog, Matutulog after 3 minutes gising na naman huhuhu busog naman andaming lungad :(

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dati ganyan si baby buti ngayon mejo mag iiba na ung pag tulog niya . dati naiiyak na talaga ako tas naasar na ko ung feeling na papikit ka ma sa sobrang antok tas biglang iiyak hahahaha di ko alam gagawin ko hahahaha . single mother kase ako kaya wala akong katulong sa pag bantay kay baby buti na lang minsan kinukuha ng daddy ko si baby pag alam niyang di ko mapatahan si baby tas antok na antok na ko

Magbasa pa
VIP Member

Same here.. My baby is 2 months.. Lalu na ung 1 month plng xa.. Sobrang stress at laki ng eyebag ko... Kasi wala tlga tulog.. Kya ginagawa ko.. Hinihiga ko xa sa chest ko.. Dun lng nkakatulog ng mhimbing.. Feel nya kc na panatag na xa.. Ngyun.. Mejo nagbabago na xa.. Puro tulog nman ngyun..

Baka growth spurt sis. Nag 2months naman si baby last Sept. 26. Nawindang din po ako dyan. Tulog manok nga sabi ko. Dede ng dede pati at ayaw magpalapag . Tiis tiis lang po ulit.☺️ Ayun sa article na nabasa ko, ot will last for a couple of days daw hehe.

VIP Member

Lungad may be cause of too much milk momsh... sobrang busog na sya... kahit 2 mos pa lang si lo try po kau ng mga activities gaya po ng massage mo po si lo ng very gentle play a song po or maglaro po kayo gayang ng macolorful na laruan or rattle toys momsh

Don't forget na iBurp si LO natin mga momsh , dapat kpag ganyang age Panay tulog kase nagpapalaki sila . Check mo bka kinakabagan c LO kase Sabi mo Mamsh puro Lungad . Ang Lungad cause Yan NG Hindi na buburp c baby ..

VIP Member

Yung baby ko nung 2 months gising sa umaga, tulog sa gabi. Ngayon 3 months na siya gising sa madaling araw tulog sa hapon. Yung tipong kakaidlip mo lang tapos iiyak siya parang maiiyak kana din 😂 magbabago pa yan baby mo

8mo ago

normal ba Yun mhi kaka3 months pa lang baby ko kahapon ganan din sya gising buong magdamag start sya 1am Hanggang 6 am na Yun walang tulog uhuhuh

Oh my ! Di pala ako nagiisa yung tipong susubsub mo na yung dede ayaw dedehen gusto buhat lang panay ang dede wala pang 30 min na tulog gigising ulit 😂

VIP Member

yes po, ganyan po baby ko 1st month nya. as in walang tulugan. eventually nag iiba nman body clock nla. ngaun ok na sleeping habits nya.

Si lo ko nun mag 1 month po sya nagising gising pero nito nag 2 months po sya ok natulog nya kahit sa magdamag hehe

Nangyare samen to kagabe 😂 Ginawa ko Pinadapa kosya.sa chest ko at aun Nakatulog sya nakatulog din ako hahaha