Share ko lang

Hi mommys, 2 years po akong nag karoon ng PCOS since hindi kona kinaya ang pag take ng pills tinigil ko po ito last june 2022 I just found out na buntis po ako pero nakunan din ako. Then sep. 2022 na buntis ulit ako at ectopic pregnancy naman ngayong feb 2023 parang naramdaman kona na buntis ako kasi 2 months na akong di dinadatnan mula noong february kaya nag take ako ng PT at positive ulit. Hanggang ngayon May 28 nag spotting ako ng 5 days akala ko nalaglagan naman ako kasi pag PT ko negative na. Lumapit ako sa medwife dito saamin at sabi nya buntis pa daw ako. Minsan mag PT ako may 2nd line pero faded na . Nag pa Transv ako pero walang nakitang baby by june. Pero ngayong 6 months na yumg tiyan nag decide akong pumunta sa center para mag pa dopler kung may heartbeat ba, kasi lumalaki yung puson ko. It turns out na may nakitang heartbeat pero 85 lang kaya sabi ng midwife mag pa ultrasound ulit ako. Mga mommys naguguluhan na ako kasi lahat ng sign ng pagiging buntis nasaakin na lahat. Nag start na rin mamanas yung mga paa ko tapus ramdam kona yung galaw sa loob. Natatakot lang ako. Btw. Di pa ulit ako nag pa ultrasound kasi nag iipun pa ako ng lakas ng loob.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung nasa 24 weeks na po kayo may movement na po talaga ang baby sa loob ng tummy mo mommy. mas better kung magpa ultrasound po para macheck ang heartbeat ni baby. as per midwife po na nagprenatal check up po sakin dapat hindi daw po baba sa 100 ang heartbeat. kung kaya po ng budget pede po kayo magpacongenital chinecheck po nun lahat mas marami pong details yun compared sa pelvic ultrasound mas pricey nga lang po sya. pray lang po and kausapin lang po nyo si baby sa tummy always. 🙂 para sa ikaka safe po ni baby hwag po kayo matakot magpa ultrasound ☺️

Magbasa pa

paultrasound ka yun lang ang makakasagot sa mga gulo sa isip mo. doppler kasi nadedetect din nyan ang heartbeat mo.