Emotionally Confused

Hi mommy share ko lang feelings ko kasi feeling ko nagkakaissue ako sa sarili ko. Mag 8 yrs na kami ng BF and last March inanounce ko sakanyang buntis ako, then naopen na naman yung topic about sa marriage (di kasi yun yung first time na pag uusapan yun ilang beses na kaso parang balewala. di naman ako nag mamadali since kakagrad lang kung baga nag tatanong lang ng plano) nung naopen na ulit yung topic sa marriage wala naman problema kaso wala pa ding date pero sobrang simple at private lang nung marriage. tapos naopen ko ulit sya by May sabi ko gawin namin ng July sa mismong bday ko nung una parang nag alangan sya pero at the end umoo sya. kaso until now di na ulit kami nag usap regarding dun at parang NVM na naman sakanya. then ngayon nag open sya sakin na parang confused sya at hirap mag focused and mag adjust inadvice ko naman sya ng maayos kahit na parang ang naging dating para sa sarili ko is naiipit ko sya sa responsibility nya para sa baby ko. and bumabalik na naman sa isip ko yung issue regarding sa di sya sure saakin. kasi nung time na busyng busy ako sa work ko madami sya kachat and most of them babae wala namang something pero para saakin iba dating then isa sa chat na nabasa ko nag aask si girl regarding sa ano plano namin since graduate na kami and sagot nya "Not sure depende kung saan dalhin ng tadhana" edi ending ang labas saakin di sya sigurado pa saakin. Responsable naman sya never nya naman ako pinabayaan pati na din si baby and regarding naman sa financial. eh financially stable kami both kami may magandang work ang issue ko lang ayaw ko ng anxiety na sumasapi sa isip ko na parang si baby yung reason kung bakit naiipit sya sa sitwasyon. gusto ko sana sakanya sabihin kaso nag dadoubt ako kasi baka OA lang ako ng naiisip. And ayaw ko na din i open yung topic regarding sa marriage since ilang beses na din naman reject or binalewala. #advicepls #pleasehelp

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Na-open mo naman na yung topic about marriage so let him be. Okay na yun. Nasa sakanya na yun kung gusto nya magpakasal or not. If sure sya sayo, he should be excited kahit na mahirap kung di pa sya financially ready. Kung hindi, baka gusto nya magpakasal after makalabas ni baby. Kung hindi pa rin, dun ka na mag isip isip sis. 9 years kami ng husband ko, nung nabuntis nya ako, sya agad nag-initiate na magpakasal kami. Kahit na ako gusto ko civil wedding lang or after na makalabas ng baby. Pero sya, nagsabi na magpakasal kami sa church at nagmadali kami non kasi hanggat di pa malaki ang tyan. Habang palapit kasi ng palapit ang due date mo, mahirap mag asikaso ng wedding at requirements. Now we're both happily married kahit na struggling kami financially, napprovide naman ni hubby lahat ng needs namin pero we're challenged na mas pagbutihin ang pag iipon at pagpapalaki ng income para kay baby.

Magbasa pa

Importante sa ating mga babae yung assurance from our significant other. Me and my now husband dated for 7 years before getting married. During those times, I always made it a point to know kung nasaan ako sa priority list nya sa buhay and if he intends to marry me, or else baka di kami nagtagal. Your feelings are valid. There is nothing wrong with discussing these things with your BF and asking for answers. You deserve that much and more. Lalo na ngayon hindi na lang kayo, may baby na. Stay strong, you are doing great. God bless you, Mommy!

Magbasa pa
VIP Member

Let him do the honor. hndi magandang mag pakasal dahil buntis or may baby. baka need pa nya ng time or tanungin mo if may plano ba tlaga sya sayo, explain na mahalaga sating mga babae yun khit simple lng.