😞😞😞😞😞

Mommy pano ba tanggapin na may anak sa unang ex girlfriend ang asawa/lip niyo? Di po sila magkasama nasa side nung ex niya yung anak nila. Tho alam mo naman from the very start na may anak talaga siya? Akala ko kasi tanggap ko na. Pero nahihirapan pa rin ako kapag iniisip kong may anak siya bukod sa magiging baby namin. Gustong-gusto kong i-shutdown buong sistema ko kasi nasasaktan talaga ako. Alam ko namang walang kasalanan yung bata. Alam na alam ko yon. Gusto kong tumakbo palayo. Sobrang nadedepress talaga ako. Wala kong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Alam kong mali tong nararamdaman ko. Alam kong selfish ako. Pero nahihirapan akong tanggapin. Sorry po if selfishness tong nararamdaman ko. 😞

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you mamsh, pero mas malupit sa akin yung asawa ko may anak sa una tapos di talaga sila nagsama at naanakan lang si babae tapos feeling asawa sya tapos ako pa ang ginawang kabet pinagkalat sa social media na malandi ako at makati kasi nawalan daw ng ama ang anak nya pero never sila nagsama at naanakan nga lang then yung anak nya bastos sa akin pati na sa inlaws ko. so pano ko yun matatanggap? mahal ko asawa ko at naiintindihan nya ako na ganito ang nararamdaman ko sa naanakan nya pero di ko dinadamay ang bata pero yung babae ginagawang dahilan yung bata magsustento o hindi may problema sya

Magbasa pa