😞😞😞😞😞

Mommy pano ba tanggapin na may anak sa unang ex girlfriend ang asawa/lip niyo? Di po sila magkasama nasa side nung ex niya yung anak nila. Tho alam mo naman from the very start na may anak talaga siya? Akala ko kasi tanggap ko na. Pero nahihirapan pa rin ako kapag iniisip kong may anak siya bukod sa magiging baby namin. Gustong-gusto kong i-shutdown buong sistema ko kasi nasasaktan talaga ako. Alam ko namang walang kasalanan yung bata. Alam na alam ko yon. Gusto kong tumakbo palayo. Sobrang nadedepress talaga ako. Wala kong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Alam kong mali tong nararamdaman ko. Alam kong selfish ako. Pero nahihirapan akong tanggapin. Sorry po if selfishness tong nararamdaman ko. 😞

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang yung nafifeel mo, but don't feed your emotions. If I were in your position, I would feel the same, pero hindi pwedeng forever ganyan. Isipin mo na lang, sinasayang mo yung present nang dahil lang sa isang bagay na nangyari long before ka makilala ng partner mo. You are depriving yourself of the happiness. I know it's hard kasi kahit ako, may past ang partner ko na nahirapan akong tanggapin at first, pero I would always remind myself na ginawa nya yun before nya ako makilala. It's all in the past. Ayoko sayangin yung present at future naming masaya.

Magbasa pa