Curius..
mommy nakakaranas din ba kayo ng pananakit sa katawan. ganun ba talaga pag lalaki ang dinadala 6 months na ako. May nararamdaman kasi ako pag tumatayo Ako parang anytime na gusto na lumabas ni baby sumasakit yung dalawang singit ko di naman sya totally na masakit. sumasabay pa yung manas ko sa paa ang sakit Ganun po ba talaga Yun mommy? feeling ko din mababa ang tiyan ko
ganyan din saakin momsh yung tipong sakit sakit dito sa kabilang singit ko, yung halos dimo mailakad sa sakit, kaya lakad lang ako ng lakad kasi pag natatagalan ako mahiga at upo nananakit talaga singit ko tiyaka parang lalabas si baby
consult with your ob momshie. Sa manas para maiwasan mag walking ka at least 30 mins a day in the morning, wag uupo ng matagal ganun din sa pagtayo. balance dpat. wag din tulog ng tulog ๐ iwas po sa maalat
normal yan mommy. Super sakit yung kapag babangon ka dahan dahan lang talaga kasi may sumisiksik sa singit. nakakaiyak. haha. Lalo na kapag ihing ihi ka na kelangan mong bumangon agad. haaayy.
Ganyan din saken sis... 26 weeks and 3 days na ko... Pero d ako minamanas...mahilig kasi ko sa water naiwas din ako sa maalat...pero ung singit..pasumpong sumpong ung sakit ๐
Ganyan po talaga kase lumalaki yung pagitan ng dadaanan ng bata kase lumalaki din yung baby sa loob habang lumalaki yung baby sa loob bumibigat. Inom ka lang po parati ng Milk
Ganyan din ako momsh, balakang, puson, sabayan pa ng pamumulikat ng mga binti ko. Kaya madalas tamad na tamad talaga ko gusto ko lang lagi nakahiga.
Normal naman po yun kasi bumibigat na tayo pati c baby :) Madalas sakin sumasakit likod ko pag siguro di tama position siguro.. ngalay :)
ganyan po talaga magaadjust din kasi yung katawan mo pag lumalaki yung baby mo kaya feeling mo may kulani ka magkabila
masakit na po pag almost 3rd tri. mahihirapan ka nang gumalaw and parang magsweswell pempem po
normal naman ang pain mommy. kasi bumibigat yung tummy. either lalaki or babae man si baby