1780 Replies
Iniinom ko lang po siya na parang sa ordinary milk lang din po. Ok naman po yung lasa niya para sa akin. May iabng flavor pa niyan baka mas magustuhan mo yung mocha at yung chocolate.
Di ko din po mainom mga maternal milk..sa first baby ko carry naman. pero now di po talaga kaya nasusuka ako kapag naamoy at nainom ko. sabi naman ni OB okay lang regular milk and complete naman vitamins na tinetake
Naalala ko for me para cya dilis na dinikdik.. Hahaha.. Nung nagpalit nman ako kumulo tiyan ko.. Peo need ni baby yan.. Punta ka sa pag ng anmum sa fb.. May mga interesting way sila para mainom mo yan.. Like this
Sa una lang naman po mahirap inumin yan... Pero masasanay din kayo, although mas masarap yung chocolate at mocha latte, pero for me mas ok yung milk flavor nyan kasi mas Puro sya, kesa sa may flavor na
mas masarap po yung choco saken kasi nilalagyan ko pa ng asukal para malasa pero mga ilawng weeks di na kasi baka tumaas sugar ko pero malasa pa naman sya kahit walang asukal. hehe
Ako po di talaga ako umiinom ng tinitimplang gatas, pero nung nabuntis ako need ng baby ko kaya may enfamama akong milk. Iniinom ko sya walang hingahan tapos may candy ako lagi para di ako masuka 🤣
Sakin promama iniinom ko . Sabi ng ob ko sakin haluaan ko ng bear brand adult o yung bear brand lang . Para bukod may vitamins na si baby meron din daw ako tsaka para di ako mapaklaan sa lasa at para daw lumapot ang gatas
Promama din sakin eh . Sakin naman ginagawa ko para magkalasa hinahaluan ko ng condense milk ☺️
Mommy, mag switch ka sa Mocha or Chocolate. Ako din di ko kinaya yan, bago ko mainom e tinatakpan ko muna ilong ko HAHAHAHA. Mas better kung di mainit na tubig warm water lang para madali mo mainom.
Tatlong flavor po para hindi ka magsawa. Chocolate fave ko next is plain or mocha latte. Titimplahin ko sa mainit na tubig pero hinihintay ko lumamig tsaka ko iinumin. Hindi naman ako nasusuka.
Ako ginagawa ko hahaluin ko muna sa maunting maligamgam na tubig saka ko lalagyan ng malamig na tubig at minsan konting yelo para diretso tungga haha, pero chocolate flavor iniinom ko lasang chuckie pag malamig 😁
Donna