Hi mommies.
Similac kasi si baby ko since infant siya, nung nagstart ako mag-mix feed. Ako kasi, ayoko tignan ang presyo, dun ako sa kalidad at may magandang epekto sa katawan ng anak ko.
E sa ngayon, naghahanap ng "murang gatas" ang asawa ko (magreresign kasi ako) para kay baby, sabi niya pare-pareho lang naman daw yan, di totoo yang mga pa-epek ng mga gatas na kesyo nakaka-talino, etc etc... Ngayon, sinabi namin ito kay pedia, ang sabi niya Pediasure daw. Pero hindi naman daw nalalayo ang presyo nito sa Similac. Ano sa tingin niyo? Kayo, ano ang gatas ng babies niyo? At bakit yon ang napili niyo?
Yanne Octvn