Bath Time for 2 months and 3 weeks old baby

Hi mommies! Medyo bothered ako sa bath time ng LO ko. May times kasi na nakakatulog sya ng 11 pm pinakamaaga at 2:30 pinaka-late. Kapag tulog sya ng 11 pm, gigising sya ng 5 para dumede then sleep ulit. Kapag naman 2:30 (gaya kagabi), nagising sya ng 8 am para dumede. Di ko na sya napapaarawan kapag gantong oras kasi nagwawala sya kapag ginigising. Mula nung 1 month and 3 weeks nya hanggang ngayon, palaging 12 - 12:30 pm na sya nakakaligo. Ang tanong ko, okay ba yun sa kanya? May times na ginigising ko sya ng mga 11 am para makapagprepare yung katawan nya na paliliguan sya ng 12 pm. #advicepls #firstbaby #FTM

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

anytime naman po ang bath time kung ano okay kay baby. pero mas maganda if may routine kayo na schedule na sinusunod since then para masanay si baby alam nya kung ano na gagawin sa kanya at di sya magiiyak iyak kung time na. dapat din bago maligo, may konting playtime si baby para relax at di dapat gutom para di magiiyak at maenjoy ang bath time nya :) like for example, since 1st month sinanay ko na si baby ko naliliguan ng 5:30am lalo pag papasok na rin ako since nurse kami ng husband ko ang duty namin ay 6am dapat bago kami umalis, naliguan na para wala na iisipin yung magaalaga, paaraw,patulog at padede na lang. automatic yun routine namin. then sa hapon, alam na ni baby pag 5:30-6pm na nakalinis na ulitbsya at nakapalit ng pantulog, pagdating ko from work (since kalapit lang namin yung hospital na pinapasukan namin) padededein ko na mga 6:30pm, automatic 7pm tulog na sa si baby ang gising na nya ay 5am ulit (in between napapadede ko sya kahit tulog) mag 3months na si baby ko ngayon.

Magbasa pa