MENTALLY UNSTABLE

Hi mommies, Im diagnosed depression with anxiety, I'm currently taking anti-depressant for 25 days na, from 20mg then tinaasan yung dosage ko to 40mg. Twice a day ko na ito tine-take ngayon. So far, I sometimes feel okay, and sometimes not. Nag iisip-isip pa din ako, nalulungkot, pero yung atake ko ng panic attacks ay mild nalang since nagte-take din ako ng pampakalma which is antihistamines. I have 6 yo son, minsan nakikita niya ko umiiyak out of nowhere. Ang hirap kontrolin ng emotions ko, feeling ko pagod na pagod na yung utak ko, gusto ko nalang mahiga, matulog maghapon. Ganito yung feeling bago pa ko mag take ng gamot. Gusto ko mag shutdown ng isang araw, parang gusto ko ipahinga yung isip ko, sinasabi ko na hindi ko na kaya, and to be honest, iniisip ko na parang ayoko nang gumising. Iniisip ko yung anak ko para tumatag ako, pero minsan talaga hindi ko na kinakaya. Ayoko mamatay, pero ayoko na din ng ganito. Sobrang nakakapagod. I've been battling the panic attacks for 7 years, yung mga physical symptoms ko ay consistent, like, hindi makahinga, chills, naglo-lock yung fingers ko, stomach cramps, and pressure sa ulo. Akala ko dati simpleng anxiety lang, hindi ko namalayan na umabot na pala sa depression. As of now, lalo akong tumatamlay, I can't feel happiness anymore, more on sadness, tulala din ako minsan tapos isip ng isip ng mga random na bagay. Sobrang pagod na yung utak ko, it should be getting better pero feeling ko lalong lumalala yung depression ko. Hindi ko na talaga kaya, pinipilit ko nalang para sa anak ko, siya talaga yung reason kung bakit hanggang ngayon lumalaban pa din ako, pero minsan talaga naiisip ko na ayoko na. Gusto ko nalang matulog at di na gumising.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you Mommy. Ako diagnosed ako bipolar. pero di ako nagtake ng medications.. di namin afford. dmting sa mga point na sinasaktan ko sarili ko at tinatangka n mawala nlng kasi parang hirap na talaga dlhin. mas lumalala kapag kinikimkim ko. kaya dpat talaga may makausap ka rin.. Yung husband ko kapag pansin niyang triggered na nmn ako or nasa downside.. pinagpapahinga niya ako. stop lahat ng gawaing bahay.. take a rest. play with our kids.. sleep with the kids.. lumabas kasama ng mga bata. gawaing bahay di daw mauubos.. then ang way ko talaga is to pray. madalas kapag tulog na silang lahat... iiiyak ko talaga kay Lord. kapag mabigat prin magsusulat ako ng nararamdaman si Lord prin nag kausap.. or mnsan makinig ng worship songs. nag-active din sa service sa community, sa church services.. manood ng mga inspirational movies.. magbasa ng mga motivational quotes etc or post n related s situation ko at pano nila na overcome.. then pinaka inspiration ko is ang mama ko at ung ibang mga nanay na may mas mbibigat na dalahin.. kung sila nga kinakaya nila.. so makakaya ko rin.. Hindi talaga madali kasi sarili natin ang kalaban natin. tapos may mga anak tayo na umaasa sa atin . napacomment ako kasi nasa downside ako tapos nabasa ko post mo.. napa alala sa akin.. di ako nag-iisa. kung ikaw nga gsto lumaban kaya nga nanghihingi ka ng advice.. "I can do all things through Christ." yan nlng dn pinanghahawakan ko. Di ka nag-iisa. marami tayo na dumadaan sa ganyan.. Daanan lang ntin... time will come magiging sharing or testimony nton ito at tayo naman ang magbbgay ng lakas ng loob para sa iba. lalo para sa mga anak ntin...

Magbasa pa
1d ago

sobrang hirap mi, unexplainable yung feeling basta ang bigat lang, kahapon, dumaan kami sa church, nag pray ako na kayanin ko pa kasi nasa point na talaga ako na hinihiling ko na di na ko magising kasi ayokong mamatay na makakaramdam ako ng sakit. After ko mag pray, biglang magaan na yung pakiramdam ko, parang nakalimutan ko saglit yung mental illness ko. I know darating ulit yung depressive episode ko pero bahala na, I will keep on praying paulit-ulit for me to feel better.