First time parent

Hi mommies/daddies , kamusta po first time parents? kami po mula nanganak ako sinubok ang aming pagsasama. More away and bati. Normal lng po ba yun? btw, may bipolar 2 ako at postpartum depression na diagnose ako nitong 1 year old na si baby. Napapansin ko nag iiba ang mood ko palagi at laging galit. Pabago bago ang desisyon dahip sa bipolar 2. Una hindi naniniwala si hubby dahil nasa isip kulang daw yun pangalawa ang pamilya ko especially ang nanay ko, magpagamot daw ako sa abularyo. Una palang alam ko may kakaiba na sakin. Ayaw ko kase napagsasalitaan ako ng masakit porke nasa bahay lang ako. Kada nagkakasakit ang baby ko sakin sinisisi. So , pakiramdam ko pabaya akong ina kahit ginagawa ko naman lahat. Dapat ba ako matuwa kung ako sisisihin pero dapat naman talaga ako kase ako ang ina. Pero in a nice way of tune ng voice. Bilang asawa sana ay maintindihan din tayo . By the way, responsible nman si hubby and good provider. Mainitin lang talga ulo nya. THANK YOU SA PAKIKINIG. Negative and Positive comment tatanggapin ko. But no offensive words like badwords.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nalulungkot ako kapag nakakabasa ako ng ganito kasi dapat mister natin ang unang uunawa sa sitwasyon natin. ayoko mang inggit pero yung asawa ko, hindi nya ko hinahayaang magalit. actually mas lalo nya kong iniintindi ngayong may baby na kami. naaawa nga ako pero kapag nag uusap kami, wala daw prob sknya kasi mahirap daw mag alaga ng bata. diagnosed din ako ng depression kaya nung nagkaka signs ako ng ppd, mas naging maalaga sya. maswerte na ko noon kapag naka 3hrs sleep ako ng tuloy tuloy kaya pinatigil nya ko mag ebf (pero inilaban ko upto now) para mabawasan pagod ko. pag nagkakasakit baby namin, lagi nya sinasabi na wala naman may gusto na magkasakit si baby. magka name pa tayo sis.. *yakap mahigpit*

Magbasa pa
3y ago

Ganun tlga pag nanay nsa iyo lahat ng sisi pag may Mali s anak . wag mo na Lang sila intindihin .. lahat ng taoay kamalian .. focus k sa self mo love ur self .