New born - ayaw palapag

Hi Mommies. Advice naman dyan. Kakapanganak ko lang via CS. And yung baby ko, since nung lumabas kami sa hospital, gusto nya lang lagi syang karga. Pag pinapatulog namin at ilalapag na, grabe umiyak. Hindi naman kasi pwede buong araw namin sya karga kahit tulog sya, lalo na ako. Advice naman po, ano ba dapat namin gawin? #advicepls #firstbaby #1stimemom #momcommunity

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi Mommies, thanks sa advice. Medyo naninibago lang din siguro kami dahil kami lang talaga ni hubby ang nag aasikaso kay baby. may times na need ko rin ng tulong ni hubby kasi 6 days pa lang nung na CS ako, pero need ko gawin mag isa kasi buhat buhat ni hubby si baby. nakakalungkot lang kasi malayo ako sa family ko, at both working din ang parents ni hubby (only child sya, kaya kami lang lagi sa bahay 2) nakakaawa lang din si hubby. pero good to know na maaari pa magbago si baby. natatakot kasi ako na pagbalik ni hubby sa work, hindi ko kayanin mag isa 😔

Magbasa pa
5y ago

same here.. di kami nakauwi ni lip dahil sa pandemic, mahirap magrisk sa byahe. ang hirap manganak ng wala kang nanay na kasama na mag aaruga sa inyo. anyway, tama po magbabago din si baby. pag ayaw palagay ni lo, sinasabayan ko xa ng higa habang hawak xa sa syd para mafeel nya that im with him. then if maayos na sleep nya, linalapag ko na xa ng maigi.