Hi Mommies, yes! tama ang basa mo, pwedeng magcatch-up ng vaccines!
Dahil sa pandemic, I'm sure natakot tayong lumabas at ayaw nating dalhin ang ating mga babies sa hospital or sa health center. Don't worry, pwedeng magcatch-up. At dahil importante din na mabakunahan ang ating mga anak para maiwasan na makakuha ng iba pang malalang sakit, here are some tips para mabigyan ng "catch-up" ang bakuna ng ating mga anak!
1. I-check ang records ng bakuna ng inyong mga anak. Maaring icheck sa baby book or kung wala pang baby book, simulan na ang paggamit ng baby record book dahil mahalagang alam mo kung ano na ang natanggap na bakuna ng inyong anak. Ang bakuna ay proteksyon nila para sa kinabukasan.
2. Makipag-unayan sa health center or sa pedia ng inyong anak kung kailan pwedeng magpabakuna, or kung ano ang available at pwedeng ibigay na bakuna sa inyong anak.
3. Magset ng petsa at lugar kung saan babakuhana ang inyong anak. May mga pedia na pumapayag sa home visit or bakuna sa car para di na pumunta/pumasok sa hospital ang mga bata. Pwede din kayong magcheck sa health center ng pinakasafe na oras kung saan di masyadong maraming tao sa center.
4. Alamin ang mga kailangang ihanda bago ang appointment at dalhin ang baby book.
5. Magpa-bakuna.
6. Alamin mula sa doctor or nurse kung ano ang mga dapat gawin after ng bakuna. Sa experience ko, pinapalagyan ng cold compress ang injection site and kailangang imonitor ang baby kung magkakalagnat at bigyan ng paracetamol every 4 hours kung magkalagnat.
Mahalagang may gumabay at may makausap tungkol sa bakuna kaya makipag-ugnayan sa health center, sa pedia o sumali sa Team Bakunanay Facebook Group. Kasama ang mga Bakunanay, maging malaya magtanong tungkol sa bakuna para sa iyong anak. Kita kita tayo doon.