baby's first solid food
mommies what do you think ang best food na unang ipakain kay baby , iniisip ko po kase avocado eh , suggestions po salamat ❤
Avocado ay okay para kay baby. Pero depende kung ilang buwan na siya. Mas mainam kung may advise ito ng doctor kung ano ang kakainin ni baby per month. Halimbawa, sa baby ko: @6months pinatry kami ng cerelac (wheat and milk/rice and soya/brown rice and milk, di kami pinagtry nung may gulay and prutas flavor), @7months kumain na si baby ng gulay, @8months nadagdag na ang prutas, @9months egg and meat naman, pwede na din maglugaw. Basta NO SALT and SUGAR lang lahat ng luto. Pag pinapatry namin si baby, like sa egg, yung yolk muna for 3 days yun then yung white naman for another 3 days. Kaya dinahan dahan din namin as per advise ni doc para matukoy kung may allergic reaction siya to a certain food. So far naman, wala. Ang yogurt and dairy foods, sabi ni doc samin 1year old pa namin ittry.
Magbasa paYou can choose the food you like for your baby mommy. As much as possible natural fruits and veggies ang ibigay laike yung gusto mo na avocado. Make sure lang po na puree ang ipakain. :)