DEPRESSED AND EXPERIENCING PRE TERM LABOR

Mommies just wanna share sobrang bigat na kasi.. May, nag hiwalay kami ng 3yrs boyfriend ko but we still have communication. August, nalaman ko buntis ako then I informed him and we continue our relationship. October, I discovered nag karoon sya ng girlfriend ng May and June, September my nililigawan pa sya and October binabalikan nya ex nya. 4 girls and baka my hindi pako alam.. Despite of that tinanggap ko sya dahil nakita kong nag babago na sya and kasi gusto ko my ama baby ko even everyday akong umiiyak dahil sa sakit ng nararamdaman ko at di ko na alam gagawin ko and the relationship eh basag na tipong nawalan ako ng trust and appreciation saknya. Then just this December 30 nag chat best friend nya and nabasa ko old coversation nila regarding mga exs nya yung day na sinundo nya, naging sila, my ng yari sakanila as in lahat ipinag mamalaki niyayabang pa nya sa bestfriend nya habng ako 3 yrs kami ni hnd nya ko naipag malaki sinend nya pics nila na masaya atnaka kiss yung girl saknya. Then kasabay nun my naka chat sya last September friend na girl na recently lang nya na meet ang sabi nya "hiniwalayan daw nya ako kasi sagabal ako pero minaximise muna nya yung networks ko para may pakinabang ako bago kami magkalimutan". Recently nag p preterm labor ako because of stress. My OB advised me bed rest as in no activities. Today nakipag hiwalay nako kahit sobrang hirap sa kalooban ko dhil everytime nakikita ko sya nagagalit ako kahit ayaw ko sya mawala na kahit nag bago na sya. Hindi ko na kaya yung araw araw bigla ko nalang sya pag bubugnutan dahil my naalala ako dahil naiinsecure ako dahil hindi ko alam kng pano sya mapapatawad o makalimutan yung mga ginawa nya. Nag apartment ako mag isa, hindi alam ng family ko na ganito ng yayari samin kasi ang kasiraan nya ay kasiraan ko. Ka New year new year naiyak ako. Ayaw ko sya mawala pero ayoko na ng ganito kaya nakipag hiwalay nako. For now, natatakot din ako na baka pag lumabas na tong baby eh hnd ako maging mabuting ina o masktan ko sya o manganak ako ng mag isa dito na hindi pako handa. Na i stress n tlga ako. Please advise me..

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi single parent here, una po magdasala ka muna , hingi ka po ng paggabay, 'tas lapit ka po sa pamilya, maiintindahan nila lahit ano pa maging sitwasyon mo , wag mong isipin yung kasiraan mo , kasiraan din nya, di po totoo yun may sarili ka pong buhay , at meron na rin buhay sa tyan mo na umaasa na sayo, be strong po, lahat nmn po ng first time na nagi2ng magulang eh may takot , may tanong pano ba yung ganito , ganyan. kaya ko ba yung ganito ganyan, everthing will follow po. pag nandyan na c baby, ako proud aq sa sarili ko sa tulong ng pamilya at ni baby , nagi2ng positobo ang pagtingin ko sa lahat ng bagay, maka2ya mo po yan, kung hindi man mag work yung relationship nyo. just always pray. at lapit ka po sa pamilya mo.๐Ÿ’ช๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

Im so proud of you mommy.. Kahit napakahirap, alang alang kay baby mo para hindi ka mastress inalis mo yung toxic sa buhay mo.. Mas inisip mp si baby kesa sa walang kwenta nyang ama.. Basta pray ka lang lagi mommy, hingi ka kay Lord ng lakas at tibay ng loob.. Pagpray mo na alisin lahat ng sakit, galit, lungkot..etc. jan sa puso mo.. Then balik ka sa family mo for support.. Maiintndhan ka rin nila sguro sa simula di magiging okay pero hayaan mo lang malalagpasan mo din yan lahat.. Malay mo pagdating ng panahon mapapangiti ka ng lang pag maisip mo.lahat pinagdaanan nyo ni baby kasi nakaya nyo. Nakaya mo. Godbless momsh!!!๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡ Happy New Year!!! Kaya mo yan!!! ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Kahit ano mangyare, parents will be your parents, marami yan sa sila masasabi pero alam kong hindi ka nila kayang tiisin. Mas better na bumalik ka muna sa family mo to go back to your comfort zone. Kawawa si Baby. Nasestress din yan. Mga lalakenf ganyan, mabuti pang iwan kesa ikaw naman ang nagdadala ng bigat ng nangyayare sa inyo. Ano naman kung walang ama? Basta palakihin lang maayos ang Baby mo. Be a good mother. And, Mabilis ang karma sis.

Magbasa pa

Hugs for you mommy. Tell your family everything. Don't mind kung anong sasabihin nila. Ang importante meron kang masasandalan sa mga oras na ito. Mahirap ang mag isa lalo na't buntis ka pa.

Sending virtual hugs for you mommy. Go to your family muna I'm sure they'll understand your situation and will stand by you. Keep being strong po. Laban lang for baby! ๐Ÿ’ช

Honestly, bilib ako sayo. Nagawa mo syang hiwalayan dahil alam mong toxic na sya sa kalagayan mo. Unlike me na halos lahat naapektuhan na pinipilit ko pa ring kumapit.

VIP Member

Umuwi ka muna sa family mo sis dahil sila lang ang makakaintindi sayo para din sa anak mo maiiintindihan ka rin nila. Be strong and always pray to God.

Good decision! Tapang mo! Galing galing! Ito yung masarap sabihan na SANA ALL ๐Ÿ˜˜

balik k sa family mo. andyan n yan. hindi k tatalikuran ng family mo. Godbless

Umuwi ka muna sis. Mas ok na un kesa mag isa ka