depression

Hello mommies, wala lang gusto ko lang mag share ng story ko sainyo. Wala po kasi akong ibang mapag sabihan neto at sinasarili ko lang po palagi. Please take time to read kasi mejo mahaba po talaga ito. So, Last June 2019 nakilala ko yung napangasawa ko ngayon. We got married netong January lang kase nabuntis nya ko nung August last year. 34 weeks na po ako ngayon at second baby ko na din po eto pero magkaiba po sila ng tatay nung panganay ko. So going back naging kame na po. Nung umpisa okay naman sya tapos ayun nga po may nangyare sa amin hindi po nya sinabi saken na pinutukan nya ko sa loob nalaman ko lang po nung nakita kong may tumulo sa bedsheet. Tinanong ko po sya kung bakit nya ginawa yun at sinabi ko din na hindi pako ready magka anak ulit. Pero ang kulit po nya gusto na daw po nya magkaron ng sarili nyang pamilya kaya every time po na nag ssex kame pinuputok po nya sa loob. Nangibabaw po yung takot saken nun, kaya nag decide ako mag take ng emergency pills every after sex namin. Nung nalaman nya po yun dun na po nag start na lumabas yung totoong ugali. First time po nya ko mura murahin at sinabihan ako na pag inulit ko pa daw yun ay makaka tikim nako sakanya. Fast forward, nabuntis ako ng August akala ko mens pa yun pero implantation bleeding na pala. Pinakita ko sakanya yung PT ko na nag positive tapos nung gabing yon nag aya sya lumabas kami. Nag bar po kame para celebrate daw namin na hindi sya baog etc.. To make the story short, sobrang nalasing po sya at nag maoy. Minumura po nya ko ng walang dahilan kaya sabe ko uuwi nako. Pero hinahatak po nya yung bag ko nun sabay sinabunutan ako atsaka po inuntog yung ulo ko sa concrete na upuan. Hilong hilo po ako nun tapos nakita ko po yung damit ko na puro dugo. Dinala po nya ko sa hospital nun at tinahi yung ulo ko dahil mejo malaki daw po yung sugat. Gustong gusto ko po sya ipakulong nung gabi na yon pero nagmaka awa po sya saken. Hanggang sa tuwing nakaka inom po sya binubugbog po nya ako. Ilang pasa at suntok sa mukha na din po inabot ko sakanya. Hindi po ako makapag sumbong sa magulang ko dahil natatakot po ako. Binabalaan po nya ako na tatlong bala lang daw kailangan nya para mapatay kame. Tapos, yung panganay ko pong 3 years old sinasabihan nya ng stupid na panget daw yung anak ko wala daw pong kwenta at aksidente lang daw pong nabuo. Lahat na po ng pambabastos ginawa na nya saken. Pati po mga kaibigan ko na bakla minumura po nya at pinag babantaan. Pati po yung ex ko na tatay ng anak ko pinag mumura po nya sa chat at inaaya makipag kita patutumbahin daw po nya kaya po blinocked sya nung ex ko. Ako na naman po napag buntungan nya non na bakit daw po sya blinocked ganyan. Feeling ko po may sakit sya sa utak eh. Gustong gusto ko na po sya iwan at ireklamo sa pulis pero kasal po ako sakanya at malapit na din po ako manganak. Nababaliw na po ako hindi ko na alam gagawin ko. Yan po mga chat nya kanina lang. Bigla nalang po nya ako inaway at pinagsabihan ng mga ganyan. Hinayaan ko nalang po sya hanggang mapagod sya at d nako nag reply. Nag dadasal nalang ako at iniyak ko nalang yung sama ng loob ko sakanya.

depression
192 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hiwalayan mo na yan sis... Makakaya mo din yan kesa mapatay Pa kayo ng anak mo pati Yang baby nyo madamay Pa nd normal na tao ang gnyan lalaki kaya ngaun plng nd ka nanganganak ireklamo mo na yan at magpakalayo ka ipakita mo lahat ng ibedensya... Nakakatakot ang gnyan khit sa pagtulog mo nd ka kampante... Wag mo na sis patagalin Pa... Pray ka dn sis makakaya mo ya

Magbasa pa

Nku qng aq sau iwan m yan ipakulong mo.. Kaysa nmn ganyn buhay mo at ng magiging anak m nkasalalay ngaun p nga lng gnyn n xa wat more p kpg nkapanganak k.. Qng AWA lng nndun n tau pero mas kaawaan m srili m at ung baby mo kysa s buhay ng hayop mong asawa.. Sorry for d word ATE.. Pero he deserve it and u deserve to be happy with ur children's.. Nnjn p pamilya mo..

Magbasa pa
VIP Member

Better pa pulis m na yan. Hindi na magbabago yan hanggang patawad tayo ng patawad. Minsan mahirap.pero isipin m ung eldest m mas safe siya kung hihiwalayan m na ung asawa mo. Kahit kasal kayo kung magbabastos nman ang gingawa niya sayo walang silbi m un. Mahalin m ninyo ang anak ninyo lalo na ang sarili mo worth it ka po and hindi m deserve ung ganyang treatment

Magbasa pa

Alam mo sis mas may laban ka pa nga eh kaya dapat ipakuling mo yan, lalo pat kasal po kayo mas may laban ka sa mga pananakit nya. Tsaka po halatang may saltik po ata yabg asawa nyo mamaya mapatay pa po kayo nyan. Pls labg mommy ingat ka po at sana magawan mo ng paraan na maisumbong sa pulis yan or sa mga magulang mo po. Kawawa kayo pag tumagal pa lalo yan

Magbasa pa

Para syang may mental disorder ☹️. Umuwi na lang po kayo sa parents nyo. At ipakita mo po yan sa mga police yung conversation nyo wag mo po idelete matibay na ibedensya once nag sampa ka ng case 😔 at may protection din naman kayo nyan. Wag mo po isipin na mawawalan ng tatay anak mo. Isipin mo po yung kapakanan ng panganay mo mommy 🥺🥺.

Magbasa pa
VIP Member

Ay hala. Sobrang lala ng sakit sa utak nito. Mommy parang psychopath asawa mo.😢At isa pa, di porket kasal kayo eh yan na ang dahilan para di mo sya hiwalayan. Ipa blotter mo sya. Jusko wag mong ikulong sa sarili mo sa ganyan ka toxic na relasyon. Paano pag namatay ka dahil sa pananakit ng lalaki na yan, paano na lang anak mo at magiging anak mo? 😑

Magbasa pa
5y ago

Momshie, i am really sad to hear ur situation. Sorry to say this but ginagago ka na nyang lalake na yan. Naawa ako saiyo kasi buntis ka tapos ganyan pa kalagayan po ninyo. Same sa mom ko yung papa ko isang suntok lng nya sa mama ko diretso na sa kulungan. Kasi sabi nya dapat di ako matakot kahit asawa mo hindi dapat nananakit. Pag patawarin mo, uulit-ulitin nya lng yan. Grabe na ginagawa saiyo pati sa eldest mo. Kung mahal ka ng lalake, tanggap kung ano ka pati ang anak mo. Wag ka mag holdback sis dahil sa mawawalan ama ng pinagbubuntis mo. He is totally not worth it. Bigyan mo ng leksyon. Kasi if ginagawa yan saiyo baka gagawin din yan sa panganay mo na sana hindi. Tell ur friends and family para ma alert sila if mai mangyari saiyo. Iwanan mo na yan sis kaisa mapahamak ka pa at ng iyong mga anak. Picturan mo yung mga pasa mo and medical and ask for help na sis. Pa blotter mo. Wag kana matakot kasi mas makatakot if mag stay ka parin. Unahin mo muna sarili mo and safety ng mga anak mo

pag pinatagal mo pa sitwasyon mas may malala pa manyyre, kwawa anak mo sa una.. una pagbuhat palang ng kamay niya sau pinutol muna kse akala niya ok lang yun sau.. wlang kwenta tao yan. baka yun anak mo saktan niyan mag isip ka hnggt maaga pa parents mo makaktulong jan at magpablotter ka.. nd siya makakalapit sa inyo huwag ka matakot sknya..

Magbasa pa
5y ago

te katangahan na yan kung hindi mo iiwan yan.. te ang anak mo dugot laman mo yan! khit ano manyare bilang nanay anak mo uunahin mo. dpt ang kinuha mo lalaki yun mamahalin din yun anak mo tanggap ang sitwasyon mo. pero dhil nanjan na yan alam mo kung ano dpt mo gwen. gawen mo ang tama para sa mga anak mo para sau wlang nagsisisi sa una lagi nasa huli.. kung dka mswerte sa lalaki huwag kna mag asawa unahin mo muna anak mo ms liligaya ka sa anak mo kesa sa lalaki na yan nd ka ssktan at mamahalin ka ng anak mo matuto ka mhalin ang sarili at anak mo drting ang araw mhhnp mo yun tama lalaki sa ngaun ndi pa kaya, iwan mo yun lalaki at unahin ang mga anak at mahalin mo at yun sarili mo ng makontento ka kung ano sitwasyon mo

baka nag ddrugs yan sis? planuhin mong mabuti sis kung pano ka maaalis sknya.. baka mamaya mapatay kayo ng mga anak mo jan jusko. Baliw na ata yan. baka nagddroga yan kaya ganyan yan mag isip hayssss ingat ka sis at dasal na sana may makatulong sa inyo. Dapat di mo nlang pinakasalan yang lalakeng yan e. Mag ingat kayo ng mga anak mo jan.

Magbasa pa

Naku momshie kakayanin mo ba na sinasaktan ka at mag titiis ng buong buhay mo kung yan lang iisipin mo na kasal kayo? Mahirap yan ay makikita ng mga anak mo ma stress din sila. Hayaan mo na ganyang tao. Di ka sinilang dito sa mundo para maging malupet ang buhay mo. Kaya mo yan para maging malaya ka ngayon plng. 😘😘😘

Magbasa pa

Hi Sis, nakakalungkot na may ganyang lalaki. Kailangan mong dumistansya na sa kanya, kahit pa kasal na kayo, Hindi mo deserve Yan lalo pa at nagdadalantao ka. Tsaka sooner or later Baka Hindi lang ikaw ang mapahamak sa kamay nya pati na rin yung dalawang baby mo. Praying for you sis na maging maayos na ang sitwasyon mo.

Magbasa pa