paano mabuntis kaagad

mommies, may tips ba kayo kung paano mabuntis kaagad? 6 yrs na kasi kami sumusubok na sundan ang anak namin. hindi ko din alam kung bakit kami nahihirapan dahil nagpacheck naman kami ng asawa ko at wala namang problema. meron ba sa inyo na nahirapan na mabuntis nung mag 30yrs old na? #TTC

paano mabuntis kaagad
17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hello mommy! same tayo. with my first baby, i got pregnant agad sa unang try pa lang namin. but medyo nahirapan din kami sa sundan nung ready na kami. we've been trying for a year. wala naman kaming special na ginagawa, we just kept track kung kailan ako fertile. one year din kaming nag-try. we really wanted na sundan na din anak namin kasi hindi na ako bumabata. i decided na mag-resign sa work ko nun para makapagpahinga at mag-try nga na mag-baby. grabe, one month after resignation, buntis agad ako! hehehe may factor din talaga ang stress sa atin kasi kapag stressed tayo, hindi tayo nakakain nang tama and wala sa kundisyon ang katawan. maybe you should also ask your OB if puwede ka na din mag-start ng folic acid to prepare your body for pregnancy. good luck po!

Magbasa pa
VIP Member

mommy aq po 14 y/o na 1st born ko bago nasundan ngayon. unexpected blessing this 2020. Dati abroad asawa ko 3 months vacay lng sya kaya siguro pressure kmi then nagdecide kami na magbusiness nlng at dumito nlng sya sa pinas kase 1 lng nman anak namin after 1 year 5months namin together di namin inexpect na mabuntis aq ulit kase nagbago na rin regla ko. (irregular, hormone imbalance) pero malaki parin talagang bagay ung hindi ka stress at comfort nyo sa isat isa tapos samahan lng ng dasal. im 34w3d preggy sa 2nd child nmin. wag mawalan ng pag-asa mamsh. enjoy everymoment na magkasama kayo at wag maxado isipin na need nyo makabuo. pray pray din na kung ipagkakaloob sainyo ng Ama ay siya na ang bahala. ❤ (im 34y/o now)

Magbasa pa
VIP Member

Ako mommy, 34 na ngyon at really trying to conceive. God knows i really wanted to have a baby na. Hindi nadin naman ako bata, db? And bilang babae, isang consideration din sa pag bubuntis natin ang edad. Hardest prayer talaga naming magasawa ang magkababy. 7yrs nakmi together. 1 yr married. We are currently seeing an ob na and undergoing medications, mga gamot and vitamins at mga pmpabuo talaga ng baby binigyan nko ng doctor ko. At umaasa na lng talaga ko at nananalig na makatulong lahat yun para before this year ends, may biggets blessing na kmi na dumating. Tuluy tuloy lang ako sa meds and regular checkup. Importante magpaalaga tayo sa isang ob para mlaman natin kung ano ang mas tamang gawin.

Magbasa pa
3y ago

kamusta po kayo? hopefully you're able to conceive. pretty new here in this community and im 37yo turning 38 on Jan. just reading through..

VIP Member

it took us almost 5 years bago nabiyayaan ng baby. 33 na ako nung unang nagka baby. medyo nakaka frustrate. pinag pray lang namin and hindi na nagpaka stress. bahala na si Lord. nasundan yung panganay namin almost 4 years after. walang contraception. wala din akong ininom na vitamins. si Lord ang nag family planning para sa amin. kakapanganak ko lang last month. 37 na ako. si Lord talaga bahala kung kelan nya gusto ibigay.

Magbasa pa
VIP Member

Ako nagtake ng folic acid 5mg at multivitamins na pangbuntis agad habang nagpplano magbuntis.. Maganda yan 1 month before ng ovulation day nyo. Syempre pati si hubby nagvvitamins din, wag hayaang mainitan ang private part ni mister.. Enough sleep, iwan sa bisyo at stress at most important. Magdasal at magtiwala kay GOD..

Magbasa pa
VIP Member

Ako po 19 yrs bago nabuntis ulit at dhil gsto qna sundan madami ng advice skin ng folic acid at multivitamins yun gnawa q ndi q inaashan na mapapabilis na mabuntis aq kc alam q mga 3 months q palang naiinom un at same kami ni hubby na stress sa work at pagod may bisyo pa sya kaya tingin q tlga nkatulong un sakin 😇

Magbasa pa
3y ago

multivitamins na po ba ito na pangbuntis?

Paalaga po kayo sa OB. Less sweets and carbo. Exercise daily kahit ung mga simple lang... Try mo po mag tea if prefer mo (Spearmint tea from Healthy options) organic cia kya safe. Safe din magtake kna ng folic acid (folart brand) sa umaga den sa gabi inom ka nman po Myra E

VIP Member

Isipin mo lang na hinahanda kayo ni God. It's all about timing. Eat healthy, less stress and love more. As you said, wala namang problem. Siguro napipressure nyo sarili nyo na makabuo agad-agad. Keep the faith lang and focus on your partner para more chances of conceiving.

VIP Member

i suggest the calendar method. Here's a detailed video kung paano magcount ng days - TIPS PARA MABUNTIS AGAD AT FAMILY PLANNING AFTER MANGANAK | Nins Po https://youtu.be/tXI30T70pHs

bawas sa vit. C and acidic fruits. para tumaas ang hormones mo sa pagbubuntis. try mo din na after nyo ni hubby. lagyan mo ng unan balakang mo or itaas sa wall ang binti.