38w and 3days walking

Mommies, tanong po kailangan po ba talaga na medjo mabilis ang pag wawalking para mg open ang cervix?? At ok lang po ba dito lang ako nagwawalking sa loob ng bahay paikot2 kasi wala akong kasama lalabas palagi ?. Salamat sa mka pansin.

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman kailangan lumabas para matagtag ka :) sabi din ng mama ko ibagsak bagsak ko daw paa ko habang nag lalakad. So pag lumalabas ako mga 5 30 to 7 am naglalakad lakad ako tapos dala ko lang phone ko in case may mangyari atleast may contact ako. Kung di ka kumportable lumabas mag isa that's fine . Kilos kilos ka lang sa bahay . Mag linis ka o kaya laba ka ng mga maliliit na damit ganun . Mag akyat baba ka sa hagdan . O kaya deep squats :) kahit paikot ikot ka lang sa bahay keri na .

Magbasa pa
5y ago

Cge po , salamat po .. 😊

Ako din moms 38wks. & 2days na hindi pa open cervix pero pinastop na ko ng OB ko sa pag inom at pag insert ng primrose malambot naman na daw cervix mo more lakad lang daw talaga, kahit mag isa lang ako naglalakad tsinatsaga ko para matagtag ako ingat lang talaga kasi kalsada nilalakaran ko daming dumadaan sasakyan..

Magbasa pa
5y ago

Oo nga goodluck sa atin and more prayers pa

Kahit normal na walking lang po makakatulong naman. Subdivision ba kayo? Okay lang kahit sa loob lang ng subd kung wala kang kasama. Pag sa bahay kasi maliit ang space mas okay malawak na lakaran, unless malaki bahay niyo 😅

5y ago

Slamat po 😊

Kelangan ba talaga may kasama ka pag lalabas ka? Ako nga nakakaabot kung saan saan mag isa lang ako basta makapaglakad. Dala ko lang phone ko para may macontact ako kung sakaling abutan ako ng kung ano 🙄

5y ago

Mas okay din kasi may kasama lalo na't kabuwanan na niya. Wag mo ikumpara sayo dahil di lahat ng buntis katulad mo.

ako.mommy binawalan akong maglakad lakad kaya nung 38w na tiyan ko. pahinga lang hehe nung nanganak ko di ko din masyado inire hinayaan ko lang sabi ng ob ko wag daw akong magpa stress relax lang daw,

5y ago

Sana po, maraming salamat sa advices.

40weeks naku tadtad rin ako sa lakad pero wala parin nangyayari diparin ako lalabor lalo na edd kuna no hays naubos kunalang evening primrose ko wala parin pain😫😫😫

5y ago

Mas mabuti mg pacheck po basta may dugo na. Cge po goodluck sa inyo

tamad ako maglakad lakad hehehe...iniiwasan kong lumabas kse ung mga usok ng yosi sa labas.. gnagawa ko sa kwarto sumasayaw sayaw ako nttawa nlng mr ko sa pnag ggawa ko

5y ago

Ako minsan dito sa bahay umiikot 30mins then squat nalang.. minsan sayaw2 pag nasa mood.. pero mostly lakad talaga.. mababa na kasi c baby medjo mabigat talaga ang feeling

Kahit hindi ka mglakad lakd... Kausapin mo lng kausapin si baby and relax yun self kase mapapalaban ka sa labor.. ❤️ Monitor lng si baby... ❤️ ❤️ ❤️

Di naman kelangan sis.. ako nga nun napaka sipag ko maglakad pero naCS pdin wag mo masyado ipressure sarili mo na mag open cervix ka.. hinay lang dn

5y ago

😯 talaga po?? Salamat po sa advise. Bakit po kayo na cs mommy??pwde po malaman?

Yung OB ko snbhan ako kahit wag na daw ako maglakad lakad. Wag ko na lang daw pagurin sarili ko. Kasi max naman daw is 42 weeks.

5y ago

Opo, salamat dn po

Related Articles