BUNTIS NA HINDI NA NATABA🥺

Hi mommies, tanong ko lang bakit po kaya may mga buntis na hnd na nataba?😁 #firstbaby #1stimemom #advicepls

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po maselan pregnancy ko, simula 1st trimester grabe yung hilo ko at pagsusuka. Pero na-lessen naman simula nung 2nd trimester na ako, but still nagsusuka pa rin at some point. Marami rin akong foods na inayawan dahil nakakahilo talaga, lalo na pag may bawang, luya, etc yung food.

Ako din po mommy. Duda nanay ko sa pagbubuntis ko noon kasi di naman ako tumataba pero sabi ni OB okay daw yun para maiwasan ang complications. Ngayon po exclusive BF lang ako kay baby. Sobrang takaw ko. Kinakain ko lahat pero sabi nila payat pa rin daw po ako although tumaba naman ng konti.

Same, mommy. I thought tataba ako kahit papaano. I was 46kg before I got pregnant. Now that I'm turning 6 months, 2kg lang ang increase sa weight ko. Sabi naman ng OB, as long as the baby is safe, there's nothing to worry about. Iba-iba raw kasi talaga ang katawan natin :)

mas ok po ung buntis na hndi nataba.. hndi ka mahihirapan at mas ok ung hndi masyado palakain kasi mas lumalaki si baby sa loob mahihirapan ka ilabas.. as long as healthy ka ok yan.. same here!❤️ hndi porket buntis eh kailangan lamon ng lamon at kailangan mataba..

Hi mommy, same here. 49 lang timbang ko before ngayon 55kls nako. May ganyan daw po talaga mommy, unang buntis kopo ang taba ko pero ngayon payat lang tapos maselan papo ako sa pagkain. Sabi nga po ng nakakasabay ko ang baba lang ng timbang ko.

VIP Member

Akala ko din tataba ako kapag nabuntis eh. Pero sabi nga nila para lang daw ako nangitlog 😂 Di rin kasi ako malakas sa kanin, nung nabuntis ako di ko masyadong gusto kanin. Samantalang noon rice is life. kaya siguro ganon.

4y ago

yung iba kahit d po makanin, tumaba sila hahaha nagtataka ako kasi akala ko din tataba ako pag nabuntis ako😂

VIP Member

dating 42 kgs, ngayon 47kgs na. i wonder kung may itataba pa ako haha medyo nabawasan gana ko sa pagkain. nung 1st trimester, about 6 times ako kumakain na puro rice ngayon normal meals na lang tapos snacks snacks. 😅

Same Po mommy . Hndi nag babago Ang timbang ko nung Hndi pa ako buntis 51kilo ako pero nung nabuntis na ako bumaba hanggang 47 Ang timbang ko . Pero ngayon stay nlang sya sa 52 kilo 8months preggy na ko ngayon

hnd naman po kaya pangit ang resulta non pag ganon haha, namimiss ko katawan ko before mabuntis. iniisip ko nalang na sguro kinuha na ni baby lahat ng nutrients ko sa katawan kaya pumapayat ako😁

Ako din po, 4mos preggy na pero ang payat ko pa din, and dami pumapansin maliit daw tyan ko, medyo worried na nga po ako kung may effect kay baby baka maliit din sya 🥺🥺🥺