Baby detergent o normal detergent sa damit ni baby
Hello mommies. Soon to be mommy po. Hingi lang po sana ng advise. Ano po ba ang dapat gamitin kapag maglalaba ng damit ni baby? Baby detergent po ba or yung normal na detergent? Sinasabi po kasi ng mother ni LIP na sila daw noon normal detergent lang. Nagmukha yata kasi akong maarte nung sinabi kong baby detergent 😅 thank you po
your baby your rules po. if afford naman magbaby detergent, why not.. in my case po nagbaby detergent ako gang mag two years old si baby, sabi kasi sensitive balat ng mga baby kaya iyon choice ko.. may pambili naman ako so iyon.. tska sakin naman di bale ng masabihan ako maarte or praning basta si baby ay safe, iyon lang naman po sakin pero kayo pa din po siyempre dpat masunod mommy
Magbasa paKung pasok naman sa budget mii why not baby detergent kung gusto mo talaga. Sa mga anak ko naman perla na ang kinasanayan kong gamitin. Turning 19 na kasi eldest ko, eh that time naman kasi hindi pa uso yang mga baby detergent. Kahit nung newborn bunso namin, last year ko siya pinanganak, perla white pa rin ginamit namin. Meron na nga lang baby fabcon from tinybuds hehe.
Magbasa pawag yung regular detergent. sensitive pa kasi balat ni baby. pero alam ko perla oks naman kasi d naman yon masyado matapang. kung may budget bat hindi bibili baby detergent? hindi naman sila magbabayad. ikaw naman. hirap sa mga kamag anak e. dami say, d bale sana kung advise e hindi naman 🙄 danas ko yan ngayon momsh.
Magbasa patruueee 💯
baby detergent gamit ko hanggang sa fabcon. same price din lang naman halos sa normal detergent. lalo na pag newborn stage malakas at matapang pag normal detergent ang gamit. Mas safe iyon sa sensitive na skin ng mga newborn. saka ako gumamit ng normal detergent noong nag six months na ang baby ko.
tinybuds at cotton central powder. sa shopee or lazada
perla ang ggmtin ko mi 😁 mild kse un e although keri ko din naman bmli ng mga pang baby detergent kaso si perla kht sang tindahan meron. As of now yan na din gamit ko sa mga undies ko kse mild sya. If kaya naman mg budget mi go go go ♥️
sakin nman mi perla gamit ko heh. yun kasi advise ni pedia sakin kasi di daw matapang ang amoy nang perla . since sensitive pa ang skin nang baby. anyway mag 1 month pa nman din baby ko.
naku po mommy ikawpo masusunodokay lang maginarte po baby nyompo yan yaan mompo sila mga wala magawa aa buhay pake nila ikaw naman bibili nung gamit ng anak mo.. yaan mo sila po
hahaha oo iba na kasi panahon ngayon at sa panahon nila dati okay lang dahon dahon ugat ugat ng herbal kahit dimo pinacheckup anak mo na ngauon may tumuboay lagnat di na pede dahon dahon lang kasi baka may serious conditions na yan.. hehe wag maniwala at wag kayo magpapressure omoo lang kayo pero sundin nyo ku g ano ang nasa puso at isip nyo tama anak nyo yan.. at sila kahit ano gusto nila gawin sa baby nyo wala sila magagawa.. basta sundin lang ang mga alam nyo makakatulong sa pagpapalaki sa baby nyo
Baby detergent para safe and mild sa skin ni baby. Delicate kasi skin ng babies baka may harsh chemicals na mag cause ng irritation kapag normal detergent gamit mo 😊
Milk po gamit ko. Mabango amoy baby po 👶🏻
mas okay baby detergent po para sigurado kasi d mo pa alam kung sensitive skin ng anak mo mii. pero kung walang budget pede naman po perla white..
Perla Bar white mamsh maganda pag ihand wash mo mga damit niya tas nung nagswitch kami sa washing machine yung Kleenfant na ginamit namin 😊
Mummy of 2 troublemaking superhero