DRY EARWAX

Mommies, sino po sainyo me anak na dry earwax or matigas? Ano po remedy or gamot ginagamit niyo? Sinubukan napo kasi namin paflush sana sa eent. Kaso ayaw pa ng dr. kasi matigas daw at malaki masyado. Ayaw nia rin kasi nagpapalinis tenga since baby sya. May pinescribe na pampatak para lumambot.. pero di naman po nagwork sa kanya.. baka may alam kayong cheaper yet effective way para lumambot? Thanks po.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis nangyari iyan sa anak ko, 4 years old aya noon. Mahirap kasi syang linisannf tenga kasi ang kipot ng butas. Meron ding nireseta ang doctor para palambutin muna ang earwax. For one week ang application noon 3x a day. Nang ibalik ko sya sa doctor ay hindi pa raw pwede bombahin dahil medyo matigas pa, kaya pinatuloy ulit ang gamot, ipinapatak iyon sa tenga. Then after a week ulit nalinis na ng doctor. Bobombahin kasi iyong ng hangin ng doctor, ang dami pong lumabas at napreskuhan na po ang anak ko. Dapat po siguro ituloy nyo lang yung binigay ng gamot ni doc, lalambut din po iyon at masisilip naman ni doc kung pwede nang linisin.

Magbasa pa
7y ago

Di po ba sya natakot or nasaktan nun binombahan? Di po water flushing ang gnawa?