pagsusuka

Hi mommies! Sino po dito may experience ng malalang pagsusuka dahil sa pregnancy? Share your stories. Ano po ginawa nyo para mabawasan pagsusuka? Sa anong pagkain ka nasusuka? ? Posted: 04/21/20

pagsusuka
166 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa awa ng Diyos, di ako nakaexperience ng pagsusuka during pregnancy.. pangalawang pagbubuntis ko na ngayon.. kahit morning sickness wala.sadyang matakaw lng ako. im on my 6th month now, still active. nagbabike lng ako papuntang trabaho. 4kilometers distance. iwas lang sa bumpy road at subrang ingat huwag masemplang... Gumawa pa ako ng sticker cut outs para sa bag ko. warning sa ibang motorista o sasakyan.

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

I used to eat Shanghai Fried Rice at Max's Restaurant nung di pa ko buntis, favorite ko yan. Hindi ko pa alam na buntis ako nun tapos nag order ako as usual nyan, to my surprise, sinuka ko din siya so nung una akala ko sinikmura ako or sira yung pagkain. I even complained about the rice, pero nung pangalawa, pangatlong kain ko, ganun pa din. Nagtry na ko ng pt and boom, positive. πŸ˜‚

Magbasa pa
VIP Member

nung first hanggang 2nd naranasan ko yan sis.walang pinipili lahat ng kainin ko sinusuka ko lang dn.subrang hirap ung tipo ang sasarap ng mga pagkain tapos wala kang gana.ang hirap dn pag ung sinusuka mo may laman.halos mapait na nga ang nilulwa ko kc wala ng mailabas.iniyakan ko talaga ung first trim subrang hirap ftm kc ako.sabi ko d na ako uulit ganito pala kahirap mag buntisπŸ˜‚

Magbasa pa
4y ago

Ganyan din po ako ,kaya kapag kakain nako may nakaready na po akong menthol na candy to prevent that case 😊

Nung 2 mons na tummy ko grabe ang suka ka lalo na sa umaga kada kain suka. Pero nung nag 3 mons na sa gabi na lang ako nagsusuka. Sobrang asim ng suka ko nasakit na lalamunan ko kakasuka. Pag di ako nakasuka sa gabi sobrang sakit ng ulo ko kaya hinihintay ko muna magsuka saka ako kakain. Hate na hate ko yung ginisang sibuyas tapos karne ng baboy. More on fish ako at gulay.

Magbasa pa

My 1st trimester was the worst journey of being pregnant. Yung tipong nakakadalwang subo ka pa lng ng kanin, or anything, after a minute. Susuka mo rinπŸ˜”. Kahit my reseta ni ob para sa nausea at vomiting kc malaks makabawas sa electrolyte ng katawan ang pagsusuka. May tendency kapa na ma dehydrate. Awa ng diyos nakaraos πŸ˜…. It takes 4mos. bago ko makarecover sa kaen.

Magbasa pa
VIP Member

Me πŸ– even water sinusuka ko. Lahat ng food lalo yung malasa at maamoy kahit amoy pa lang nagsusuka na ko. Ayoko noon ng fish kahit anong fish tsaka yung amoy ng nilagang mais at sinangag na mani. Kaya pagnaluwas kame sa manila at may naakyat sa bus na nagtitinda ng mani nagtatakip na ko ng ilong. May baon din ako laging plastic πŸ˜… tsaka candy yung lemon flavor.

Magbasa pa

Para sakn pagwala gana aq kumain dahil nahihilo aq nagsusuka parn.nagpapaluto aq mg lugaw n my luya tas kunting Asin para kaht panu my laman tyan ko.ung luya KC nagppwala siya ng hilo at suka.inom din aq mg gatas at maraming tubig n maligamgam lng para hnd bloated tyAn hns aq nag inom ng malamig ng tubig.pero the best ung mag rosary mga mumshie 😊

Magbasa pa

Until End of my first tri dun halos pati tubig isinusuka ko, siguro lalo na pagprito prito ung mga ulam, at maoily ang pagkain. Feeling ko dun ngttrigger ung pagsusuka. now im at 13wks.. thank God, unti unti n nwawala ung vomitting. Ung pagkahilo nlng ang umaatake paminsan minsan.. sana tuloy tuloy na ung gana ko kumain ng walang sumusuka...

Magbasa pa

14 weeks preggy ako. Kapag di ako maburp ayun jusko isusuka ko. Usually sa gabi ako nagsusuka. Kapag gutom naman ako tapos kumain ako ng di ko gusto or di gusto siguro ni baby hehe ayun sisikmurain ako. Mas lalo ako nagugutom. Kaya ang hirap kapag gutom ka tapos wala yung krinicrave mo kapag kakain ka naman ng iba lalo ka gugutumin haha

Magbasa pa

Ako po hanggang 6 months nagsusuka at naglalaway. Madalas may dugo na ang sinusuka ko lalo sa umaga pagkagising. Tubig na maraming yelo lang tinatanggap ng tyan ko. Halos nasa higaan na lang ako nun kasi hinang hina ako..then nung nalelabor na ko sumuka din ako twice.. ang hirap kasi sumasakit ang balakang ko tas nagsusuka pa.

Magbasa pa